19

6.6K 292 34
                                    

Hi Airah Marcelo at sa lahat Ng readers ko.

Please bumili kayo ng book ni Martha Cecelia. Promise, worth it ang book niya. She's my idol mula noon kahit na di niya ako kilala. Actually, pangarap kong makasalamuha siya sa mundo ng pagsusulat.  Yung tipong gusto kong makaharap siya tapos sabihing, "hello, I'm your fan and I made it!"












Unedited....









"Kaninong sasakyan ang nasa labas?" tanong ni Sheena nang pumasok galing sa trabaho.

"Bakit?" tanong ni Petra.

"Ang ganda eh!" manghang sabi ni Sheena kaya napasilip si Petra sa bintana.

"Yan ba ang Lamborghini?" tanong ni Sheena.

"Hindi ko rin alam," sagot ni Petra at napatingin kay Zia. "Lamborghini 'yan, di ba?"

"Hindi ko alam," sagot ni Zia na tinapos ang assignment.

"Girls, labas muna ako. Kakain lang kami ng boyfriend ko sa labas," paalam ni Sheena na nakatingin sa cellphone.

"Ayieee. Sana all!" ani Petra.

Nagmamadaling lumabas si Sheena kaya dali-daling lumapit si Petra kay Zia.

"Uy!"

"Bakit?" tanong ni Zia.

"Alam kong sa 'yo 'yang sasakyan sa labas!"

"Hindi ah!" tanggi ni Zia.

"Heh! Nakita ko si Kuya Marvin. Di ba siya ang laging sumusundo sa 'yo?"

Napasulyap si Zia sa wall clock. 7:30 na ng gabi pero nagtatalo pa ang isip niya kung hahayaan niyang ma-kickout sina Trina o pupunta siya kay Reon.

"Bakit parang responsibilidad ko pa sila?" wala sa sariling sabi niya.

"Sila?" ulit ni Petra. "Sino?"

"Sina Trina."

"Ha?"

"Pinatawag kami sa deans office kanina. Nalaman kong si Katrina ang naglagay ng cellphone nila sa bag ko dahil galit na galit siya sa akin dahil inagaw ko si Jeric kay Trina."

"Hala! Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Petra. "Oh my ghad! Kahit na expected ko na, hindi pa rin ako makapaniwala."

"Oo nga e. Kahit ako rin pero sabi ni sir Reon, depende raw kung patawarin ko sila o iki-kickout."

"What? Pa-kickout mo na! Ang sama nila e. Deserve nila na mapalayas sa Westbridge!" sulsol ni Petra. "Ang baba naman nilang tao. Akalain mo 'yon? Parang sa movie lang na may mga bully tapos di nila alam na mas mayaman ka pala sa kanila."

"Hindi nga ako mayaman! Ano ba?" pikong sabi ni Zia.

"Oo na. Waiting pa rin ako sa pag-amin mo."

"Wala akong aaminin."

"Oo na pero asa labas ang sundo mo."

Napakagat siya sa hawak na ballpen. Kung hindi sila malapit ni Jeric, baka hindi naman sila magkaganoon. Alam niyang sobra na rin minsan kung lumapit si Jeric sakanya. Kahit sya man sa part ni Trina, sasama rin ang loob niya. Pero hindi ba dapat warning lang muna bago ma-kickout? Pero malakas ang kapangyarihan ni Reon at alam niyang magagawa nito ang gusto kina Trina.

Tumayo siya.

"I think I should go," mahinang wika niya.

"Inaasahan ko na 'yan," ani Petra. "Pero kwento tomorrow dahil hindi kita tatantanan hanggat hindi mo inaamin ang totoo."

Un-tie (R-18)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα