33

6K 344 53
                                    


Unedited....

"Please take your seats now. You have five minutes to go to the toilet tapos wala nang tatayo," may pagkastriktong sabi ni Reon pero wala namang tumayo at pumunta sa CR.

"Sir, mula anong chapter ho ba ang surprise quiz?" tanong ni Nina.

"Alam mo ba ang surprise quiz? May surprise bang sinasabi?" tanong ni Reon kaya natahimik ang mga estudyante. Ang gwapo nga ng prof pero ang strikto naman nito.

Hindi na nakapagbuklat ng notes si Zia dahil wala namang papasok sa utak niya. Mas mahirap ata ang sitwasyon niya ngayon kaysa noong una dahil kaharap nila ni Reon ang mga kaklase niya. Napailing siya. Hindi niya dapat isipin si Reon dahil wala naman na sila.

"Wala nang lalabas ha," sabi ni Reon na inutusan ang isang estudyante na isara ang pintuan. Kinuha niya ang test paper at isa-isang binigyan ang mga nasa unahan. "Please pass your questionaire."

Bumalik siya sa pagkakaupo sa gitna. "Anyone who will get caught cheating ay lalabas sa classroom and automatic na zero."

Nang mahawakan ni Zia ang test questions, lihim na nagdasal muna siya. Paano kung wala siyang maisagot o mababa ang kuha niyang score? Nakakahiya naman. Ano na ang sasabihin ni Reon? Na sayang ang pagpaaral nito sa kanya? Huminga siya nang malalim bago binasa ang mga tanong. Four sets ang test. Una ay multiple choice at pangalawa ay cross matching, pangatlo ay fill-in the blanks at pang-apat ay enumeration.

Tahimik ang lahat. Kahit nga yata ang karayom na mahulog ay maririnig nila dahil gumagala ang paningin ni Reon kaya mas lalong nakaka-pressure. Hindi pa nila tantiyado ang ugali nito kaya walang ni isang naging pasaway o nagbiro lalo na't kilala nilang may malaking share din ang pamilya ng binata sa Westbridge.

Nanginginig ang mga kamay na sumagot si Zia. Nasa set B na siya nang maramdamang tumayo si Reon at mabagal umikot sa mga estudyante hanggang sa tumigil ito sa tabi niya.

Napatingala siya rito pero agad ding itinuon ang paningin sa test paper nang magtama ang kanilang paningin. Napakagat siya sa ibabang labi. Hindi ba ito aalis sa tabi niya? Parang tinitingnan pa nito ang isasagot niya kaya hindi siya muna sumagot.

"Ten minutes left!" anunsiyo ni Reon kaya napilitan siyang sagutan ang mga natirang tanong. Sa totoo lang, madali lang ang questions dahil na-review na niya ito. Pasimpleng sumulyap siya sa sapatos ng katabi, hindi pa rin nito inihakbang ang mga paa para umalis. Nanatiling nakatayo sa tabi niya pero ang mga mata ay gumagala sa buong classroom para masiguradong ni isa ay walang magche-cheat. Hindi niya tuloy maisip kung ano ang key actors ng good governance.

Pasimpleng tiniklop ni Zia ang kalahati ng papel para hindi makita ni Reon ang sagot niya saka medyo pahalang na naupo para likod niya ang nakikita nito.

"Sit straight at huwag humarap sa kaklase ninyo. Do not make something na iisipin kong nangongopya kayo," ani Reon kaya umayos ng upo si Zia. "Cover your answer sheet sa classmates ninyo, hindi sa akin," dagdag pa nito kaya napahigpit ang pagkakahawak ni Zia ng ballpen. Hindi niya alam kung sya ang pinapatamaan ni Reon dahil hindi niya maigalaw ang leeg at baka sabihing tumitingin siya sa sagot ng iba. Magkaka-stiffneck ata siya ngayon.

"One minute left!" sabi ni Reon saka bumalik sa unahan at muling naupo.

"Okay, time's up!" ani Reon. Counterclockwise kayo ha ng three times, iche-check natin ang sagot ninyo. The one who got the highest score ay makakatanggap ng premyo sa akin," sabi niya kaya napa "yes" ang iba.

"Ano ho ang premyo, sir?" tanong ni Ian.

"Depende," sagot ni Reon. "Sige na, one . . . " pagbilang ng binata kaya ipinasa na nila sa katabi ang papel.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon