32

5.7K 311 47
                                    






Unedited....





Isang linggo nang hindi umuwi si Reon sa condo niya. Ni tawag o text ay wala rin siyang natanggap kaya alam niyang wala na talaga sila. Masaya naman siya. Nakuha niya ang freedom na matagal nang inaasam.

"Bespren!" tili ni Petra na palapit sa kanya.

"Oh?"

"Wala lang. Na-miss mo ba ako?" nakangiting tanong ni Petra. "Iisang school lang tayo pero minsan lang tayo nagkikita."

"Kaya nga eh," pagsang-ayon niya. "Tara, libre kita ng tuhog-tuhog sa labas."

"Kuripot mo naman. Sa Ice cream house naman ng mga Santillan mo ako ilibre," pakiusap nito. "Bigtime ka naman eh."

"Wala nga akong pera e."

"Wee? Bilyonaryo kaya jowa mo," bulong ni Petra.

"Baliw! Wala na kami!" sabi niya.

"Ha?"

"Break na kami," sabi niya.

"Hala, bakit?" usisa ni Petra.

"Wala lang, kung kami ay kami," sagot niya.

"Gaga! Bakit mo hiniwalayan? Habulin mo! Sayang kaya. Imagine ang pogi niya, bilyonaryo at pantasya ng kababaihan. Ang swerte mo kaya sa kanya. Kung ako sa 'yo, pikutin mo na. Opportunity knocks only once daw!" sulsol ni Petra. "At binigyan ka ng chance, di mo pa sinulit."

"Hindi naman kasi ganoon 'yon kadali," sabi niya habang palabas na sila ng gate ng Westbridge. "Kapag ikaw na ang nasa sitwasyon, hindi ganoon yun kadali." Siguro kung hindi nangyari iyon sa kanya, baka ganoon din ang sasabihin niya.

"Ano nga ang reason?"

"Ayaw ko nang pag-usapan," sagot ng dalaga.

"Siguro naman marami ka nang ipon. Okay lang 'yon, ang mahalaga ay natikman ninyo ang isa't isa," sabi ni Petra at humagikhik.

"Huwag na nga natin siyang pag-usapan!"

"Pero na-hurt ka, friend?" pangungulit ni Petra.

"Hindi na kita ililibre, sige ka!" pananakot niya.

"Ay, sorry na. Basta yung avocado flavour lang sa akin na ice cream ha," hirit ni Petra.

"Akala ko na tuhog-tuhog lang ang ililibre ko sa 'yo?"

"Sabi mo kanina ice cream."

"Tuhog-tuhog ang sabi ko!"

"Hala ka, Zia! Ice cream kaya ang sabi mo!"

"Oo na! Ice cream na! Ikaw talaga!" napilitang sabi ni Zia kaya tuwang-tuwa naman si Petra. Sino ba ang hindi? Eh ang sarap ng ice cream dito. Ito kaya ang sikat na ice cream house dito. Isa pa, medyo remarkable rin ang kwento nito.

Pagdating nila, saktong nandoon din si Jeric na mag-isang kumakain.

"Akala ko ba umuwi ka na?" tanong ni Zia.

"Wala akong gana. Pagdating sa bahay, wala naman akong kausap. Ikaw ba? Bakit nandito ka pa?"

"Ililibre ko lang si Petra ng ice cream," sagot niya at dumukot ng pera sa bulsa.

"Hi, Jeric. Mag-isa ka ata?" bati ni Petra.

"Minsan kaylangan kong mapag-isa lalo na kung may pagkain," sagot ni Jeric kaya natawa si Petra.

"Same pala tayo," sabi ni Petra.

"Kaya pala palagi kang wala sa dorm kapag may pagkain ka," kunwari nagtatampo na sabi ni Zia kaya natawa si Petra. "Oh, ikaw na ang bumili ng ice cream. Basta vanilla lang yung akin."

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now