20

6.9K 298 60
                                    



Unedited....







"Alam mo, Reon? Nakailang text na ako pero hindi ka nagre-reply. I called you for how many times sa Whatsapp mo pero ni callback, wala!" reklamo ni Monica na kakarating lang.

"Busy ako kaya wala akong panahon na tingnan ang cellphone ko."

"Talaga lang, ha? Busy? Kailan ka pa na-busy? E wala ka namang ginagawa!" bulalas ng dalaga.

"Nasa iyo na iyon kung maniwala ka o hindi," ani Reon na napatingin kay Zia na pumasok.

"Can't you see? Nag-uusap pa kami kaya lumabas ka!" pagtataboy ni Monica. "Bastos ka rin, ano? Hindi ka ba marunong kumatok?"

"S—Sorry," paumanhin ni Zia. "Kumatok ako."

"Magpapaliwanag ka pa?" singhal ni Monica na badtrip na badtrip. "Labas!" sabay turo sa pintuan.

"Huwag!" pagpigil ni Reon. "Pinatawag ko siya kaya manatili siya rito."

"Nag-uusap pa tayo, Reon!" ani Monica. "Ano ba talaga ang pinagkaabalahan mo kaya hindi ka nagre-reply?"

"Hindi ko nga hawak ang cellphone ko at maraming mahalagang bagay na gagawin kaysa mag-cellphone. I'm not expecting a call from anyone else, Monica."

"My ghad, Reon! Ang pinakaayaw ko ay ang pinaghihintay ako."

"Walang nagpapahintay sa 'yo, Monica."

"Wow!" ani Monica. "Ano ba talaga, Reon? Hindi na kita maintindihan."

"People change," ani Reon. "Mas mahalaga sa akin ang mga employee at business ko, Monica. Alam mong sila ang naging buhay ko sa loob ng ilang taon."

"Business nga lang ba o marami ka nang babae?"

"Ayaw ko ng ganitong usapan, Monica!"

"Ow, really? I heard na marami kang naging babae at ang iba ay showbiz friends ko pa, Reon!" ani Monica saka bumaling kay Zia na nakatayo sa pinto. "Ano pa ang ginagawa mo rito? Di ba sabi ko, lumabas ka!"

"Pinapatawag ko siya kaya hindi siya lalabas. Tapos na tayong mag-usap, Monica!"

"Hindi pa tayo tapos, Reon!" gigil na sabi ni Monica. "Sabihin mo kung may babae kang iba."

"Please, sumasakit na ang ulo ko." Napatingin siya kay Zia na binubuksan na ang pinto. "Where the hell are you going, Zia? I said dito ka lang!"

Hindi naman makakilos si Zia sa kinatatayuan niya nang makita ang nagbabagang mga mata ng boss kaya hindi na niya itinuloy ang pag-alis.

"Just answer my—" Monica.

"Oo! May babae ako at wala akong panahon sa pakipag-chat sa iba, happy?" napilitang sagot ng binata para tumigil na ang kaharap.

"Sino?"

"Please, Monica. Tama na muna."

"Sino ba talaga? Aminin mo na para matahimik na ako."

"Huwag mo nang alamin," seryosong sagot ni Reon.

"Just answer mo, Reon! Who the hell is she?" sigaw ni Monica na parang lalamunin nang buo ang kaharap. "Sino siya at kailangan mong i-ignore ang messages—"

"She's a nobody!" galit na sagot ni Reon na napatayo sa kinauupuan. "Ngayon, pwede ka nang lumabas, Monica! May gagawin pa ako."

"Kapal ng—" Monica.

"Lalabas ka o ipapakaladkad pa kita sa guwardiya?" hindi siya nagbibiro. Dinampot niya ang telepono.

"Fine! Lalabas na pero mag-uusap pa tayo bukas!" sabi ni Monica saka padabog na lumapit sa pinto saka tinulak si Zia. "Huwag kang haharang sa daan ko, hampaslupa!"

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon