48

4.8K 293 74
                                    







Unedited......







Umuwi siya at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit nagawa iyon ni Reon sa kanya. Oo, alam niyang ganoon nga si Reon noong nagkakilala sila pero hindi ba't okay na sila? Hindi ba't ang sabi nito, magkasintahan na sila? Nagpakilala pa nga ito sa pamilya niya kahit na hindi niya naman hiniling pero bakit kanina, bigla siyang idini-deny? Dahil ba kay Anica? Dahil mas maganda at sexy ito sa kanya? Okay lang naman na maghanap ito ng iba pero iyong sila pa, nakipagtalik ito sa iba. Ibang usapan na iyon.

Buong maghapon siyang nahiga sa kama at dahil sa pagod sa pag-iyak, nakatulog siya. Alas siyete na ng gabi nang magising siya. Tinatamad na bumangon siya at kumuha ng maiinom.

"Hindi ka ba pumasok?" Nagulat siya nang makita si Reon na nagluluto sa kusina kaya nang makakuha ng maiinom ay bumalik siya sa sala at binuksan ang TV.

"Luto na ang ulam, kumain na tayo," sabi ni Reon.

"Wala akong gana!" sagot niya at pinatay ang TV.

"Di ba may sakit ka? Kumain ka," sabi ni Reon na lumapit sa kanya.

"Katawan ko 'to kaya may karapatan akong alagaan ito!"

"Sa pamamagitan ng hindi pagkain?"

"Kakain ako kung gusto ko!" aniya na naikuyom ang kamao. Paano nito nagawang makipag-usap sa kanya na para bang wala lang nangyari.

Naupo si Reon sa tabi niya pero agad naman siyang tumayo.

"Huwag mo akong talikuran, Zia!" galit na sabi ni Reon sabay hatak sa dalaga kaya pabagsak na naupo ito sa kandungan niya. "Huwag mong sagarin ang pasensya ko, babae!" Gigil na niyakap ito ni Reon para hindi makawala pero nagpupumiglas ang dalaga kahit na pinaghahalikan siya nito sa leeg at batok.

"Bitiwan mo ako, Reon! Ano ba?" hiyaw niya kaya napatigil ang binata. Agad siyang tumayo at hinarap ito. "Wala kang karapatan na pilitin ako kapag ayaw ko! Hindi ako parausan, Reon! At ayaw kong makipagtalik na sa iyo!"  Nakita niya ang pagguhit ng galit sa mukha ng binata pero hindi siya nagpatalo. "Kung gusto mo, maghanap ka ng mga babae dahil marami riyan ang nagkandarapang mapansin mo!"

"Eh di wag!" hasik na wika ni Reon saka tumayo. "Pag ayaw mo, eh di wag! Tama ka, marami ang babae riyan at hindi lang ikaw ang may puke!" bulgar na sinabi ni Reon kaya napalunok ng laway si Zia. "Hindi ka kawal—nevermind!" ani Reon saka tumalikod.

"Yeah! Hindi ako kawalan sa 'yo kaya maghiwalay na tayo! Kalimutan na natin ang isa't isa at isasauli ko na ang lahat ng sa iyo!" matapang na sagot ni Zia sa lalaking nakatalikod pa rin sa kanya. "Mula ngayon, malaya ka nang makipagtalik sa iba! Malaya na rin ako sa iyo!"

"Matagal mo na tong gustong gawin, 'di ba? Ang maging malaya sa akin?" mahinang tanong ni Reon na hindi pa rin nakaharap sa dalaga pero kitang-kita ni Zia ang nakakuyom at nanginginig nitong kamao.

"Dahil hindi mo ako pagmamay-ari, Reon!" ani Zia. "Ni katulong mo, ayaw ko na maging! Suko na ako! Maghanap ka ng babaeng kaya kang tiisin!"

"Fuck you, Zia!" pagmumura ni Reon sabay harap sa kanya. "Fuck you!"

Napaatras si Zia nang makita ang nagbabagang mga mata ni Reon pero sinubukan niyang magpakatatag.

"Damn you!" muling pagmumura ni Reon saka lumabas ng unit at pabagsak na isinara ang pinto kaya nanghihina na naupo si Zia sa sofa at pinapakalma ang sarili.

Nang matauhan ay kinuha niya ang mga gamit. Kumuha siya ng ilang panlakad at pantulog. Iniwan niya ang dalawang iPhone sa bedside table matapos isalpak ang simcard sa luma at sirang cellphone saka lumabas.

Un-tie (R-18)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang