52

6.5K 304 78
                                    




Unedited...



"Teka, sandali!" pagpigil ni Reon at hinarangan si Zia sa pinto. "Teka, sandali lang! Ano ba ang nangyari?"

"Tumabi ka!" ani Zia sabay hawi kay Reon pero nagmamatigas ang binata.

"Mag-usap muna tayo," ani Reon. "Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" Napatingin siya kina Marvin at Anica.

"Gusto ko nang umuwi, Reon! Pagod na ako!" sabi ni Zia at pinahidan ang mga luha.

"Pagod ka?" ulit ni Reon sa sinabi ni Zia. "Ako rin! Pagod na pagod na ako, Zia! Kailan pa ba 'to matatapos?"

Hindi na sumagot pa ang dalaga. Sinubukan niyang huwag mabuwal sa harap ni Reon.

"Ano? Nakita na ninyo ang CCTV? Walang nangyari di ba?"

Umiling si Zia. "Hindi ko na kailangan pang makita."

"Bakit? Nagtatanong ka, 'di ba? Nag-ooverthink ka at pinagbebentangan mo ako ng bagay na hindi ko ginawa tapos hindi mo titingnan?"

"Kailangan pa ba iyon kung buntis na siya?" ubod lakas na sigaw ni Zia kaya natigilan si Reon at napatingin kay Anica.

"Buntis ka?" tanong ni Reon na kay Anica.

"I was about to surprise you nang dumating sila ni Marvin," kalmadong sagot ni Anica.

"Surprise me? What for?" tanong ni Reon.

"Na magiging ama ka na," sabat ni Marvin pero hindi siya pinansin ni Reon. Hinawakan niya si Zia sa kanang kamay.

"Di ba sabi ko sa 'yo, walang nangyari sa amin at ikaw lang ang mahal ko? Bakit ayaw mong paniwalaan iyon?" malungkot na tanong ni Reon.

"Maaayos pa ba iyon? Niloko mo ako, Reon! Binuntis mo siya!"

"That's bullshit!" pasigaw na sabi ni Reon. "Paano ko siya mabubuntis eh hindi ko naman siya inano!" Galit na humarap siya kay Anica. "Please naman, Anica! Pinapunta kita rito para tulungan silang tingnan ang CCTV at magpaliwanag! Hindi para sirain ang relasyon namin!"

"Well," ani Anica na nagkibit-balikat. "Sorry na. Nagbibiro lang ako."

"Nagbibiro?" galit na tanong ni Marvin saka gigil na hinawakan ang kanang braso ni Anica. "Hindi mo ba alam na nakakasira ka ng relasyon."

"Bitiwan mo ako!" bulyaw ni Anica saka nagwawala. "Ano ba? Bitiwan mo ako o malalaglag ang batang nasa pinapupunan ko! You're hurting me!" Agad na binitiwan siya ni Marvin. "I'm not kidding! Buntis talaga ako!"

"Utang na loob, umalis kayong dalawa sa paningin ko!" dumadagundong ang boses na sigaw ni Reon sa dalawa. "Go out and fix your problems!"

"Bitiwan mo ako!" inis na sabi ni Anica saka tinulak si Marvin. "At wag na wag kang magpapakita sa akin dahil mapapatay kita!"

"Mag-usap tayo!" madiing sabi ni Marvin at binuhat si Anica palabas ng hotel.

Naiwang naguguluhan si Zia.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Reon nang medyo kumalma na ang dalaga.

"Ano ang nangyari?" tanong ni Zia na para bang nawala sa mundo ng ilang minuto.

"Ano ang gusto mong inumin? Tubig o juice?"

"Reon! Ano ang nangyari?" naguguluhang tanong ni Zia.

"Ganyan talaga si Anica! Pinaglalaruan ka lang niya, naniwala ka naman."

"Buntis sya."

"At hindi ako ang ama!" giit ni Reon. "At sabihin mo nga sa akin, Zia! Ano ba ang nagawa ko para maniwala kang hindi kita niloloko?"

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now