15

6.2K 257 31
                                    





Unedited...









Maingat na hinaplos ni Zia ang dibdib habang hubad na nakatingin sa salamin. Napalunok siya ng laway. Maraming  markang iniwan si Reon sa katawan niya lalo na sa upper part. Inusisa niya ang leeg na may panginginig ang mga kamay. Nakahinga siya nang maluwang nang walang kissmark. Kahit paano may maitago pa niya sa damit.

Kinuha niya ang towel at tinuyo ang katawan saka nagsuot ng kulay itim na bathrobe at lumabas. Nasa sala ang binata at naninigarilyo.

"Akala ko hindi ka na naninigarilyo."

"Sometimes," ani Reon saka inilagay sa ashtray ang sigarilyo at tiningnan si Zia.

"Ano ho ang gusto mong kainin?" tanong ni Zia.

"Coffee," sagot ng binata. "Black coffee."

Tumango ang dalaga at nagtimpla ng kape. Nag-init din siya ng cheese and chicken croissant para sa kanilang dalawa.

Naupo siya sa tabi ni Reon at nanood ng TV.

"Paano mo naging bestfriend si Jeric?" tanong ni Reon na muling hinithit ang sigarilyo.

"Magkaklase kami."

"And?"

"Ewan ko. Basta ang alam ko ay nangongopya sya ng assignment tapos binibigyan niya ako ng pasalubong kapag mula sa ibang bansa ang parents niya. Basta mabait sya sa akin."

"Mabait? Dahil nangongopya sya sa 'yo!"

"Hindi lang naman yun."

'That's cheating!" ani Reon na hinarap si Zia. "Sa tingin mo, tama ang magpakopya, Zia?"

"Assignment lang naman 'yon eh."

"Kahit assignment man 'yan, cheating pa rin yun sa kaalaman!"

"Hindi lang naman sa assignment kami magkaibigan eh!" depensa ng dalaga.

"Tinuturuan mo siyang maging tamad!"

"Dati pa naman yun pero masipag na si Jeric ngayon."

"Really?" ani Reon. "Tuwang-tuwa ka naman kasi binibigyan ka niya ng pasalubong bilang kapalit."

"Hindi ko ho iyon hiniling!"

"Pero tinanggap mo!"

"Ano ang masama kung tatanggapin ko?"

"Tumatanggap ka pala eh! Bakit hindi mo matanggap ang mga binibigay ko?"

Natahimik muna ang dalaga dahil sumakit ang ulo niya.

"Ano? Tell me the truth, Zia! Bestfriends lang ba talaga kayo o may—"

"Magkaibigan lang kami!" agad na sagot ni Zia. "Huwag mo ho sanang bigyan ng ibang kahulugan. Please lang po," pakiusap niya.

"Kaya pala hindi ka sumama sa akin dahil mas inuna mo siyang puntahan. Too bad, iisa lang ang party na dinaluhan natin."

"Sinabi ko na sa 'yo na dadalo ako ng birthday."

"Akala ko sa bestfriend mo! Hindi mo sinabing kay Jeric!"

"Bestfriend ko siya."

"Eh ano si Petra?" tanong ni Reon. "Hindi ba siya ang bestfriend mo?" Iyon lang ang madalas na ikwento ng dalaga sa kanya kaya hinayaan na niya itong hindi sumama.

"Boy bestfriend si Jeric."

"Okay!" pagsuko ni Reon saka uminom ng kape. "Papahatid na kita kay Marvin after mong kumain. Pupunta si Mommy rito ng lunchtime."

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now