35

5.6K 282 31
                                    



Unedited...

"Uy, bestprend!" malakas na tili ni Petra habang palapit sa kanya kaya napatingin ang ibang estduyante rito. "Zia! Bes!"

Parang gusto na lang tumakbo ni Zia palayo at magtago sa ingay ni Petra pero huli.

"B—Bes, bespren!" hinihingal na wika nito nang makarating sa kanya.

"Oh? Ano na naman ang masamang balitang dala mo?" biro ni Zia. "At pwede bang huwag kang sumigaw, nakakahiya ka."

"Ay, g—grabe sya!" ani Petra na napahawak sa dibdib. "Teka lang, putiks! Hindi ako m—makahinga."

"Sino ba ang nagsabing tumakbo ka at magsisigaw?"

"To naman. Excited lang ako eh," sabi ni Petra at matamis na ngumiti. "Ayieee. Balita ko teacher mo raw si Sir Reon."

"Ikaw lang yata ang masaya!" ani Zia na ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa canteen para magtanghalian.

"Hindi ka ba?"

"Hindi! Nakaka-stress siya!"

"Uy, stressed daw siya. Samantalang nagkita na sila ng jowa niya."

"Hindi ko siya jowa!"

"Sus! Kalat na nga sa buong campus na nanliligaw siya sa 'yo. Ikaw ha, may pa-flowers at chocolates pa siya sa 'yo ha," tukso ni Petra kaya napatigil si Zia sa paglalakad at nilingon siya. "Sana all!"

"Saan mo 'yan narinig?"

"Sa mga kaklase ko. Sabi raw binigyan ka ni Sir ng flowers after ng klase."

Napanganga si Zia. Ito na nga ba ang ikinabahala niya kanina pa eh. Binigyan pa nila ng kahulugan ang bigay ni Reon.

"Petra, makinig ka ha. Kapag may magtanong sa 'yo, sabihin mong wala iyon. Prize lang niya iyon dahil ako ang pinakamataas na nakakuha ng surprise quiz niya," paliwanag ni Zia.

"Ako pa ba talaga ang pinagloloko mo, Zia?" inis na tanong ni Petra. "Huwag ka ngang mag-deny sa akin! Ayieee, nililigawan na siya ni Sir Reon. Magiging official na sila na."

"Petra naman! Pati ba naman ikaw?"

"Syempre alam ko ang sikreto ninyo," pabulong ni Petra kaya kinurot siya ni Zia.

"Bunganga mo! Mamaya may makarinig sa 'yo!" saway ni Zia.

"Okay na ba kayo?"

"Anong okay? Wala na kami kahit na hindi naman naging kami!"

"Hmm? Magkabalikan din kayo."

"Tumahimik ka na, Petra!"

"Libre muna ng lunch!"

"Grabe ka! Tara sa canteen!"

"Libre naman talaga tayo sa canteen. Doon na sa KFC tayo kumain. Libre mo naman ako minsan."

"Hindi lang minsan ka nagpapalibre ha."

"Joke lang, kakain ako nang mabilis kasi may gagawin pa kami eh. Kaya ako nagmamadaling lapitan ka para ipaalam na kalat na kayo ni Sir."

"Please Petra, favour naman, itama mo naman sila."

"Itatama ko? Paano?"

"Hindi siya nanliligaw."

"Walang maniniwala, Zia. Sino ba ang gurong magpa-flowers at chocolates sa estudyante niya? Nakakainggit ka talaga pero masaya pa rin ako para sa 'yo. Sige na, alis na ako. Bye!"

Bago pa siya makapagsalita, tinalikuran na siya ni Petra.

Mapalit na sya sa canteen nang tumunog ang cellphone at nakikipagkita ang pinsan niya sa kanya kaya dumiretso siya palabas ng eskwelahan at sumakay sa taxi.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now