chapter 7

10.4K 307 27
                                    


Unedited....

"Ma'am?" tawag ni Marvin nang lumabas siya sa dormitory. "Sakay na po." Binuksan nito ang pintuan sa backseat.

"Salamat." pasalamat niya matapos sumakay. Mabuti at maaga pa kaya walang gaanong tao sa kalsada. Nakiusap siya na maaga pa siyang sunduin dahil alam niyang magtataka ang kakilala niya kung may makakita sa kanyang sumakay sa mamahaling sasakyan.

"May pagkain ho riyan, ma'am. Mag-breakfast ka muna dahil medyo malayo pa tayo."

"Huwag na ho kayong mag-ma'am sa akin," sabi niya at napatingin sa table katabi ng inuupuan niya. Improvised ang lahat ng sasakyan ni Reon. Lahat ay sinadyang ipagawa sa loob. Kagaya ng pwedeng gawing higaan ang upuan, pwedeng isarado sa pagitan ng sa likod at front seat. "Libre lang ho ba ito?"

"Oo naman," sagot ni Marvin.

"Okay, salamat po," pasalamat niya at sinimulang kainin ang pancake at omelete.  May hot choco at kape rin na nakahanda.

Saktong paubos na ang hot choco niya nang makarating sila sa mataas na gusali.

"Tapos ka na ba? Dito na tayo, ma'am."

"Opo, tapos na po," sagot niya at inayos ang tshirt. Binuksan ni Marvin ang sasakyan kaya lumabas na siya.

"Ano ho ba ang gagawin ko rito?" tanong niya na medyo naasiwa sa suot nang makasabay ang dalawang babaeng da hula niya ay parehong empleyado ng company dahil nakaternong palda at blusa. Parehong maganda pa at parang mga modelo dahil sa height.

"Dito ka na magtatrabaho every weekends," sabi ni Marvin habang nakabuntot siya. Kinuha nito ang key card para buksan ang pinto papasok.

"Ho?" hindi makapaniwalang tanong niya. Pumasok sila sa kumpanya. Nalulula siya sa ganda at laki lalo na't sobrang linis ng paligid. Lahat ata ng gamit ay libo ang halaga.

"Oo," sagot ni Marvin at tumigil sa tapat ng elevator saka nakisabay sa mga empleyado.

"Pero—paano si Mr.Arnold? Hindi po ako nakapagpaalam," tanong niya. Napayuko siya nang mapansing napalingon ang ilang empleyado. Hindi siya sinagot ni Marvin kaya hindi na rin siya nangulit pa.

"Si Sir Reon na lang ang kausapin mo mamaya," sabi ni Reon nang silang dalawa na lang ang nasa elevator dahil lumabas na ang kasabayan nila. Hindi na kasi sila pwedeng umakyat pa sa last floor kung wala rin namang mahalagang pag-usapan.

Lumabas sila sa elevator. May isa pang pinto kaya ginamit na ni Marvin ang keycard dahil nagkakape ang guard at ayaw niya itong maistorbo. Maayos at malaking floor ang sumalubong sa kanila na may mga pinto.

"Morning, Marvin!" bati ni Jason at napasulyap kay Zia. "May I know your name?"

"Z—Zia ho," sagot ng dalaga.

"I see," ani Jason at napatingin si kay Marvin na para bang nagtatanong kung ano ang ginagawa ni Zia sa floor na ito. "May appointment ka rito?"

"Mabuti at nandito ka na."

Napalingon si Zia sa nagsalita sa likuran niya.

"Kailangan mo siya?" tanong ni Jason.

"Siya ang papalit kay Aleng Kareng na maglilinis dito," sagot ni Reon. "Nasa bakasyon siya kaya kailangan niya ng pansamantalang kapalitan."

"Pero—" ani Jason at tumango na lang at tinapik sa balikat si Zia, "good luck!"

"What do you mean?" salubong ang kilay ni Reon.

"Wala. Good luck kasi firstime niya rito. Sige, kain na muna ako," paalam ni Jason.

"Marvin, pakidala siya kay Mary para siya na ang magturo ng gagawin niya," utos ni Reon kaya dinala ni Marvin ang dalaga kay Mary na kakarating lang din.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now