58

5.1K 294 33
                                    








Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang istoryang ito ay walang plot. Anytime, any update ay pwedeng magbago ang istorya o katauhan ng character depende sa mood o maisipan ko. It wasn't in my plan na magkaroon ng ganitong plot pero medyo bored ako kaya trip kong lagyan ng kidnapping chuvaness bago ang ending. Bakit ba?🤣🤣🤣














Unedited...






"Maiwan tayo sa sasakyan," sabi ni Dale habang nagmamaneho patungo sa Bulacan. Alas siyete na at nakahanda na ang lahat para sa isasagawang paglusob. Tumawag si Mario na may umalis na dalawang sasakyan lulan ang ibang tauhan pero mas marami pa rin sa resthouse na malayo sa pamahayan.

"Gusto kong sumama!"

"Huwag mo nang dagdagan pa ang sasagipin namin, Reon!"

"Pero—"

"Makikita mo si Zia pagkatapos ng operation kaya maghintay ka. Kaya na ng mga tauhan ko 'yan," sabi ni Dale at itinuon ang paningin sa unahan. "Mag-ingat kayo, baka may bomba sa paligid," sabi niya sa mga kasama nang i-on ang mic ng earpiece.

"Sir, malapit na ho tayo," sabi ni Marvin.

"Hindi na tayo pwedeng lumapit," sabi ni Dale. "Iwan ninyo ang sasakyan at maingat kayong lumapit nang hindi nila naramdaman."

"Copy!"

Nakikinig lang si Reon pero sobrang kinakabahan na siya at labis na nag-aalala para kay Zia.

"Ano ang ginagawa mo?" tanong ni Dale nang tanggalin ang seatbelt.

"Bababa. Hindi ba pwede sabi mo?"

"Dito lang tayo, Reon."

"What?"

"Ano ang gusto mong gawin? Lumapit tayo at maupo sa tapat ng hideout nila na parang boss na kunwari ay hindi natatamaan ng bala?"

"Tito Dale naman, kailangan ako ni Zia!"

"Kailangan ka niya nang buhay. Hindi kami makapag-concentrate kapag nandoon ka dahil mahahati ang atensyon namin sa iyo. Gets mo?"

"Dammit!" inis na wika ni Reon saka hinampas ang sa unahan ng sasakyan.

"Tented ang sasakyang ito kaya walang makakaalam na may tao sa loob. Ayusin mo ang earpiece mo!" sabi ni Dale kaya napahilamos sa mukha si Reon tanda ng pagkadesperado.

"Don't worry, mamaya kasama mo na siya."

"Umaasa ako sa inyo," sabi ni Reon at napatingin sa labas. Paisa-isa na kumilos ang mga tauhan ni Dale. Ang mga ninja ay biglang naglaho sa dilim at ang sniper naman na naka-coumaflage ay hindi na maaninag ng normal na mata lang. Bitbit ang precision rifle,  Naghanap sila ng magandang pwesto para makita nang maayos ang loob ng bahay.

"Bente dos ang nasa hideout," narinig niyang sabi ni Mario na kanina pa nagmamanman sa di-kalayuan gamit ang rifle scopes.

"Position mo?" tanong ni Dale.

"Southeast," sagot ni Rifle. "Lahat sila nakamaskara pero may lima yatang tinatanggal."

"Good. Palibutan ninyo ang bahay!" utos ni Dale at ibinigay ang dapat na pwestuhan ng mga sniper.

Napatingin si Reon sa cellphone nang tumunog.

"I-silent mo nga 'yan," utos ni Dale.

"Baka tumawag ang kidnapper," sabi ni Reon.

"Sagutin mo kung sila na 'yan."

"Si Mary lang naman," sabi ni Reon na hinayaan ang tumatawag.

"Damn!" narinig nilang pagmumura ni Marvin.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now