59

5K 278 54
                                    










Unedited...















Agad na dinala ni Reon si Zia sa hospital para mabigyan ng agarang gamot pero para makasigurado, dinala nila si Zia sa resthouse at si Chester pagkatapos matanggal ang bala sa sugat.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Zia sa pinsan habang nagkakape ito sa loob ng kwarto.

"Oo, okay lang ako. Medyo masakit pa at bed rest daw muna ako. I'm sorry, Zia at hindi kita nailigtas agad. Pasensya kung wala akong nagawa nang dinukot ka," pagsisisi ni Chester.

"Wala iyon. Ang mahalaga ay ligtas na tayo pareho, Chester. Napakatapang mo," sabi ni Zia at tumulo na naman ang mga luha. "Si Tiya Maricar, siya na lang ang pamilya ko. Siya ang nagpalaki sa akin mula noong bata pa ako pero bakit nagawa niya ito sa atin at nabaril ka pa niya? Ano ba ang kasalanan ko, Chester?" Lahat ng pagsisikap niya ay para sa kanilang magtiya at sa kaunting negosyong naiwan ng kanyang mga magulang.

"Ehem!"

Napalingon sila kay Reon na tumikhim sa kanilang likuran.

"Reon," wika ni Zia at nilapitan ang kasintahan. Niyakap naman siya ni Reon.

"Sa susunod, magpaalam ka kapag iwan mo ako," paalala ni Reon na patalon na bumangon sa kama nang maramdamang wala na si Zia sa kanyang tabi.

"Mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kita ginising," sabi ni Zia.

"Kahit na!"

"Tara, magkape na tayo," yaya ni Zia.

"Dapat nagbe-bedrest ka rin dahil namamaga pa ang mukha mo."

"Okay lang ako. Masakit pero kaya ko," ani Zia.

"Papatayin ko si Arnold!" gigil na sabi ni Reon. Nasa basement lang ito at ipinapaamin pa kung bakit niya ito nagawa pero tikom pa rin ang bibig. Nahuli na nila ang mga naunang pumunta sa Laguna. Ini-report nila sa kapulisan at pinaratangan na nagbebenta ng illegal na droga at mga armas kaya ngitngit rehas.

"Paano mo pala nalaman na si Tiya Maricar ang suspect?" tanong ni Reon kay Chester.

"Nagdududa na ako kaya inuwi ko siya. Nagpaalam ako na aalis na pero ang totoo, inabangan ko lang siya. Tama ako, pagkalipas ng isang oras ay umalis nga siya kaya nasundan ko. Kabisado ko ang lugar pero may mga nakita akong sasakyan kaya hindi na ako tumuloy pa. Umalis muna ako at tumambay sa labasan. Nang makita kong may umalis na sasakyan, bumalik ako at naghanap ng pagkakataong makapasok at makuha ang maskara para malapitan ka."

"Paanong nagdududa?" tanong ni Reon na medyo kumbinsido kay Chester.

Napasulyap si Chester kay Zia pero agad namang binawi at napabuntonghininga.

"At bakit ka niya binaril?" dagdag ni Zia. "Sa akin lang naman siya galit."

"Bata pa lang ako noon, hindi ko gaano matandaan ang lahat pero may naalala ako. Nakita ko siya noon na may kinakalikot sa sasakyan ninyo. Iyon ang araw bago namatay ang mga magulang mo. Tinanong ko siya kung ano ba talaga ang ikinamatay nila tapos sabi niya, car accident. Tinanong ko rin na di ba inayos niya ang sasakyan, paano naaksidente pa sila?" mahabang paliwanag ni Chester at mula noon, balisa na ang tiyahin nila. Panay na ang tanong kung matutuloy pa ba sila sa Baguio.

"Siya ang rason kung bakit namatay ang mga magulang mo, Zia." Walang pagdududang wika ni Reon.

"No! Pero hindi pwede! Pinalaki niya ako! Minahal. Ibinigay niya ang lahat ng gusto ko at higit sa lahat, pinaaral niya ako."

"Si Chester ang nagpapaaral sa 'yo!" sabi ni Reon kaya nagtatanong ang mga matang napatingin si Zia sa pinsan. "Paanong—teka, siya naman ang nagpapadala ng pera."

Un-tie (R-18)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora