36

5.6K 335 42
                                    








Unedited...












"Aaaah! Nakakainis!" daing ni Zia nang tingnan ang cellphone ay alas tres pa lang ng madaling araw. Pasado ala una na siya nakatulog at heto, gising na naman siya. Muli niyang ipinikit ang mga mata at sinubukang matulog pero lahat na ata ng posisyon ay nagawa na niya pero dilat pa rin siya. "Kasalanan mo 'to, Reon! Nakakainis ka!"

Kagabi pa niya pinag-iisipan kung papasok ba siya o hindi dahil panigurado, siya na naman ang pulutan ng mga marites sa paaralan. Dalawang araw pa lang ito pero ang dami nang kagaguhang ginawa sa buhay niya.

Dahil hindi makatulog, inaliw niya ang sarili sa paggamit ng social media hanggang sa paunti-unting lumiwanag ang kanyang silid.

Bumangon siya at naligo saka nagbihis. Naghanda siya ng tinapay at nagkape muna saka  mabagal na lumabas ng unit. Magpapa-late siya nang kaunti.

Pagdating sa Westbridge, mukhang normal naman ang lahat kaya dumiretso siya sa klase na ngayon ay nagsisimula na.

"Morning, Miss Mendez," bati ni Reon kaya napalingon kay Zia ang mga kaklase.

"M—Morning," bati niya saka dumiretso sa upuan. "Sorry, I woke up late."

"It's okay," ani Reon. "Normal lang na ma-late tayo minsan."

Lahat ata ng antok at pagod niya ay tumilapon at napalitan na naman ng kaba. Inaasahan na niyang may gagawin na namang masama si Reon na hindi niya magustuhan o ikahiya niya sa buong klase.

"Okay, class dismissed!" sabi ni Reon kaya natauhan si Zia. Himala, hindi siya tinukso ni Reon o hindi nito pinagtripan ang pamangkin.

"Tara," yaya ni Jeric na nilapitan si Zia. "Kain muna tayo, hindi pa ako nakapag-breakfast."

"Wala akong gana. Ikaw na lang."

"Sus. Sige na, halika na." Hinawakan siya ni Jeric saka hinila palabas.

"Sir," narinig niyang tawag ni Trina na lumapit kay Reon. "Can I talk to you?"

"Sure. What is it?" tanong ni Reon.

"Tara na," inis na bulong ni Jeric.

"Not here," sagot ni Trina. Kilala ni Jeric ang dalaga. Alam niyang may something kay Trina dahil ito ang boses na ginagamit kapag may hilingin sa kanya o nagpapalambing.

"Ngayon na ba?"

"Later, after ng klase," sagot ni Trina na matamis na ngumiti.

"Sige, punta ka sa taas ng hotel, we can discuss it privately," sagot ni Reon.

"Tara na!" yaya ni Zia saka hinila palabas si Jeric. Hindi siya tanga. Alam niyang may something kina Trina at Reon.

"Tara sa tree park!" yaya ni Jeric. "May thirty minutes pa tayo."

Walang salitang sumama si Zia at tumabing maupo sa mahabang bench sa kaibigan.

"Do you think, mahal pa niya ako?" biglang tanong ni Jeric na nakatingin sa malayo.

"Si Trina? Hindi ko alam," honest na sagot ni Zia. "Kasi kung mahal ka niya, hindi ka naman niya basta-basta ipagpalit sa iba eh."

"Do you think ipinagpalit na niya ako?"

"Sa tingin mo, kapalit-palit ka ba?" balik-tanong ni Zia.

"Minahal ko siya. Ibinigay ko ang lahat sa kanya."

"Lahat ng babae magagalit kapag ang boyfriend ay palaging may kasamang ibang babae, Jeric."

"So, nagagalit ka ba dahil may ibang kasama si Tito Reon?"

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now