chapter 13

6.7K 259 14
                                    

Unedited...

"Ay, taken na pala si Reon Bautista?" Kakapasok lang niya pero ito agad ang narinig niya sa classroom.

"Love is sweeter the second time around daw eh." wika ni Rica.

"Pero alam mo ba na sabi ng ate ko, kaya nalugi ang dating negosyo ni Reon ay dahil sa ex-girlfriend niya? Gastadura daw tapos inubos lahat ng pera ni Reon at nang wala nang mahuthot ay iniwan na ito at sumama sa ibang lalaki?"

Dumiretso si Zia sa upuan niya. Nanonood kasi ang mga ito ng vlog na ginawa ng pinsan ni Monica at doon nga si Reon.

Napatingin siya kay Nina na lumapit sa kanya.

"Hi," bati ni Nina.

"Hello."

"Sorry kung napagbintangan kita. Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon pero nag-panic lang ako. Birthday gift kasi ito ng daddy ko kaya hindi ko maaring mawala," paumanhin ni Nina.

"Okay lang. Pasensya ka na rin, hindi ko rin alam kung paano napunta sa bag ko."

"Salamat. Sana huwag mo nang isipin iyon. Pasensya na rin kung kumalat ng balita sa campus."

"Wala na tayong magagawa," sabi ni Zia. Bahala na ang iba pero ang sabi ni Petra kagabi, may mga hindi pa rin naniniwala na hindi niya iyon kinuha.

"Sige, salamat, Zia."

Ngumiti siya at sinundan ng tingin si Nina. Sakto namang nagkasalubong ang tingin nila ni Trina na agad siyang inirapan. Gusto niya itong makausap at humingi ng tawad pero baka bigla itong magwala kaya hahanap na lang siya ng tiyempo mamaya.

Pagdating ng guro, agad nagsimula ang klase pero hindi siya maka-concentrate lalo na't absent si Jeric.

Pagkatapos ng first subject, agad niyang hinabol si Trina.

"Ano ang kailangan mo?" inis na tanong ni Trina. "Hindi pa ba sa 'yo sapat na ikaw ang pinili ni Jeric? Ano? Masaya ka na? Wala na kami! Break na kami kaya sa 'yong sayo na siya!"

"Hindi ko gusto si Jeric," sabi ni Zia. "Sana maniwala ka na magkaibigan lang kami."

"Talaga? In denial ka pa rin ba?"

"Trina, sana pag-usapan ninyo ito ni Jeric dahil mahal ka niya."

"Ow? Ngayon feeling tulay ka na niyan? Huwag ka ngang plastic! Ang tagal kong tiniis ang kagagahan mo ha! Bestfriend ka nga pero sana ilugar mo ang sarili mo dahil may girlfriend na siya! Kung lumalapit man siya sa 'yo, sana ikaw na mismo ang lumayo! Naging girl bestfriend din naman ako pero hindi ako nang-aagaw ng atensyon ng boy bestfriend ko lalo na kung nandiyan ang girlfriend niya!" Punong-puno na siya. Dapat matagal na niyang hiniwalayan si Jeric pero hindi niya kaya dahil mahal niya ito.

"Trina? Bakit nakikipag-usap ka pa sa kanya?" galit na tanong ni Kristina nang lapitan sila nito. Nakakainsultong tiningnan niya si Zia mula ulo hanggang paa. "Binibilog mo na naman ba ang ulo ng kaibigan ko?"

"Humihingi lang ako ng pasensya," ani Zia.

"Wow! Kapal ng mukha mo! Sinadya mo naman ang lahat!" inis na sabi ni Kristina. "Alam mo, kung ang iba ay mapapaniwala mo na hindi ikaw ang kumuha ng cellphone ni Nina, pwes kami hindi! Naagaw mo nga si Jeric, cellphone pa kaya? Pa-inosente ka lang!"

"Wala akong inagaw!" giit ni Zia na masama ang loob dahil wala naman talaga siyang inagaw at ninakaw.

"Girls, tama na! Ayaw kong magsayang ng oras sa kanya! Magsama sila ni Jeric!" saway ni Trina saka naunang umalis kaya sumunod ang mga kaibigan.

Malungkot na tumungo sa tree park si Zia para magmuni-muni. Ang daming ganap sa buhay niya nitong semester na mukhang hindi na niya malalampasan pa.

"Hi!"

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon