5

9.4K 291 19
                                    

A/n:

Read at your own risk.  Every chapter may ganitong paalala dahil ayaw kong maging shunga kayo na kesyo triggered, etc sabay mang-report. Alam kong toxic ang author's note ko.







Unedited...





"Hey, stop it!" sabay agaw ng wine glass ni Reon.

"G—Gusto ko pang uminom."

"That's enough, Zia!" saway ni Reon.

"Why?" tanong ng dalagang namumungay ang mga mata.

"Kaya mo pa?"

"Of course!"

"Standup!" utos ng binata.

Huminga nang malalim ang dalaga saka tumayo.

"See? Hindi pa ako lasing, sir. I want more!" sabi niya. "Nakainom lang ako pero hindi ako lasing!" Firstime niyang uminom ng alak para mabawasan ang kaba kahit na sobrang napapaitan siya.

"Good!" ani Reon saka inubos ang laman ng wine glass at tumayo saka hinawakan sa kanang braso si Zia. "Let's go to bed."

"Sir! Inom pa tayo!" sabi ni Zia na bumalik ang kaba sa dibdib.

"I won't allow you to drink na."

"What? Pero di ba okay lang na uminom ako?" Siguro dahil sa alak, mawala ang hiya niya o gusto na lang niyang magising na umaga na.

Hinapit siya ni Reon sa bewang kaya nagkadikit ang kanilang mga katawan.

"Ayaw kong lumabas na sinamantala kita, Zia. Gusto kong maging akin na nasa matinong pag-iisip ka. I want you to remember every detail na gagawin natin ngayong gabi," wika ng binata habang sinasalubong ang mga mata ng dalaga. "Hindi kita pipilitin, gusto kitang bigyan ng pagkakataong pigilan ako gamit ang utak mo. Let's go down."

Hindi siya nakapagsalita. Basta na lang siyang sumunod sa binata pababa hanggang sa makarating sila sa owner's deck. Narinig niya ang pag-click ng pinto matapos isara ng binata.

Binuksan ni Reon ang dim light saka lumapit sa kanya. Hinubad ng binata ang jacket na suot ni Zia at masuyong hinalikan ang kanang balikat nito habang yakap sa bewang ang dalaga mula sa likuran.

"Do you think papatulan kita, Zia?" bulong ng binata at ipinatong ang baba sa kanang balikat ng dalaga. "Do you think naisin ko ang isang pobreng kagaya mo?"

Napakagat sa ibabang labi ang dalaga. Nabalot ng pagkamuhi sa sarili niya ang kanyang nararamdaman. Tama nga ito, hindi siya ang babaeng naisin nito na makasama o baka dahil naglalaro lang ito sa kanya pero bakit siya pa? Dahil ba sa mababang grades niya?

"Why, Zia?" tanong ni Reon. "Bakit sa dinami-rami ng babae, ikaw ang kasama ko ngayong gabi?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng dalaga at iniharap ito sa kanya saka mariing tinitigan. "You are nothing compared sa mga babaeng nakasama ko!"

"H—Hindi ko ito hiniling, sir!" nasasaktan man pero pilit niya iyong itinago. "Gusto ko na pong umuwi."

"Gusto kong laitin ka! Gusto kong sabihin sa 'yo ang lahat ng nararapat pero bakit, Zia?" tanong ng binata at masuyong hinaplos ang malambot na pisngi ng dalaga. "Bakit sa halip na mandiri, ginugusto pa rin kitang maikama?"

Naguguluhang sinalubong ni Zia ang mga mata ng kaharap.

"Ito ba ang paraan mo para makuha ang atensyo ko? Ang magkunwaring hindi ako gusto?"

"H—Hindi ko—"

"Stop talking!" tumaas ang boses ng binata. "Listen, Zia!" matagal na tinitigan niya ang dalaga pero hindi naglaon ay napahilamos siya sa mukha. "I'm sorry," malumanay na paumanhin niya. "W—What I've said was . . . I don't mean it." pagbawi niya saka mahigpit na niyakap ang dalaga saka halos ilibing ang mukha sa leeg ni Zia, "I'm losing control!"

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now