43

6.2K 316 41
                                    


Unedited...

"Hindi ka pupunta!" madiing sabi ni Reon kaya napalingon si Zia.

"Ha? Eh, bakit?"

"Kasi ayaw kong pumunta ka. Ano ba ang gagawin ninyo roon? Eh, wala naman!"

"Birthday kasi ng kaklase namin syempre in-invite kami."

"Hindi naman ikaw ang pinakaimportanteng tao sa birthday niya."

"Lahat kami ay inimbitahan."

"So? Hindi porket invited ka eh pupunta ka na."

"Bakit ba ayaw mo?"

"May pupuntahan tayo."

"Saan?"

"Diyan."

"Saan nga?"

"Mindanao," sagot ni Reon.

"Hindi mo sinabing pupunta tayo. Tinanong kita kahapon kung may pupuntahan tayo pero sagot mo wala!"

"Hindi ko pa alam kahapon."

"Reon naman, minsan lang mag-birthday si Ian. Nandoon naman sina Jeric."

"So? Mag-iinuman lang naman sila. Ano ang gagawin mo eh party ng mga lalaki 'yon."

"Para naman sa lahat."

"Basta hindi ka pupunta!"

"Reon naman, naka oo na ako. Isa pa, pumayag ka naman kahapon ah!"

"May pupuntahan pala tayo, sorry kasi nakalimutan ko rin."

"Ano ba 'yan? Nakabihis na ako eh!" inis na sabi ni Zia. Minsan lang siya makipag-bonding sa mga kaklase at medyo nabawasan na rin ang tsismis sa kanila ni Jeric at hindi na siya outcast sa klase.

"Basta hindi ka pupunta! Oras na lumabas ka ng bahay, mag-aaway talaga tayo, Zia!" madiing sabi ni Reon kaya napanganga ang dalaga na hindi makapaniwala sa narinig.

"Hindi rin ako sasama sa Mindanao!" pagtataray na sabi ni Zia at padabog na bumalik sa kwarto at gigil na nagpalit ng damit.

"Ano ang gusto mong dinner?" tanong ng binata na pumasok sa kwarto.

"Wala!"

"Mag-oorder ako ng spaghetti, salad, beef with brocolli at lechon. May idadagdag ka pa?"

"Wala akong ganang kumain!"

"Sige, iyon na lang ang iorder ko. Kapag may kailangan ka pa o gusto, magsabi ka lang ha!"

Hindi sumagot si Zia kaya lumabas na si Reon. Masama ang loob niya sa binata at wala siyang balak na kausapin ito. Ni hindi na niya tiningnan ang cellphone matapos mag-chat na hindi siya makadalo dahil may emergency na lakad.

Naiwan siya sa kwarto at nagtalukbong. Wala siyang ganang kumilos dahil hindi niya maintindihan kung bakit sya pinagbawalan ni Reon.

"Nandito na ang pagkain, kain na tayo," yaya ni Reon pero hindi siya sumagot kaya lumapit ang binata at hinila ang kumot. "Tara na, Zia."

"Wala akong gana," sagot ng dalaga.

"Alam kong galit ka pero may pagkain naman tayo rito. Same lang naman ata sa party kaya bangon na."

"Hindi mo ako naintindihan, Reon!" inis na sabi niya at naupo. "Hindi lang naman pagkain kundi ang bonding naming magkaklase. Ang memories ang nawala sa akin!"

"Sino ba ang gusto mong makasama, sila o ako?" seryosong tanong ni Reon.

"Lagi tayong magkasama, Reon!"

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now