55

5K 295 39
                                    











Unedited...








"Ang aga mo ah?" puna ni Mary nang pumasok si Reon.

"Mula nang umalis si Zia, hindi na ako nakatulog," sagot ni Reon at napatingin sa wristwatch. Alas otso pa lang ng umaga kaya wala pa ang ibang empleyado. "Ikaw, ba't ang aga mo?"

"Kailangan kong matapos ang ginagawa ko," sagot ni Mary. "Mag-early out ako later. Nag-Baguio ba si Zia?"

"Yes," sagot ni Reon at kinuha ang cellphone pero mula ngayon, wala pa ring tawag o text mula sa dalaga. "I'm sure nasa Baguio Banaue na sila at nagbe-breakfast."

"Sino ang kasama?"

"Pinsan at tiyahin niya."

"Ba't di ka sumama?"

"Marami pa akong gagawin at dapat na tapusin. Alam mo namang paalis na rin kami."

"Sana all magbabakasyon. Gawa na rin kayo ulit ng baby," sabi ni Mary.

"Soon," ani Reon. "Kapag may maghanap, wag muna ha. Busy ako," aniya saka iniwan si Mary at pumasok sa opisina. Sinubukan niyang tawagan si Zia pero hindi nito sinasagot kaya naisip niya na baka nasa biyahe pa o nagbi-breakfast kaya hindi na niya kinulit pa.

Naupo siya sa swivel chair at napatingin sa litrato nila ni Zia.
"Malapit na tayong ikasal," bulong niya saka kinuha ang litrato at napangiti. "Pangako, hindi na kita aawayin, Zia."

Muli niyang ibinalik ang litrato saka nagsimulang magtrabaho.
Wala siyang secretary ngayon dahil nasa vacation leave kaya siya na lang ang gumawa ng sarili niyang kape.

Nawili siya sa pagtatrabaho pero panaka-nakang tinitingnan ang cellphone pero wala pa ring balita mula kay Zia kaya medyo nabahala na siya. Alam niyang hindi ma-cellphone si Zia pero nangako itong mag-a-update kapag nasa Banaue na. Ang balak nila ay didiretso sa Sagada at pagkatapos ay dumaan sa Baguio kapag pabalik na sa Manila.

"Haist!" Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number ng tiyahin ni Zia sa contact list. Laking pasalamat niya nang may nai-save siya. Naalala niya nang sinundan niya si Zia, hiningi niya pala ang number nito.

Nagri-ring lang ang number pero hindi sinasagot. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Malapit na naman siyang mapikon kay Zia kaya inabala niya ang sarili sa paggawa sa opisina.

Alas kwatro nang tumawag ang tiyahin ni Zia kaya ahmgad niyang sinagot.

"Tiya!" masiglang sagot niya. "Kamusta kayo ni Zia?"

"R—Reon?"

"Yes po. Ako po."

"R—Reon," ani Maricar. "H—Hijo, buti napatawag ka!"

"M—May problema ho ba?" Biglang sumibol ang kaba sa dibdib niya sa tono ng boses ng kausap. "Tiya Maricar?" Hikbi ang narinig niya kaya napatayo siya. "S—Si Zia ho?"

"R—Reon, si Zia."

"Please tell me po. N—Nasaan ho si Zia, pakausap." Lumakad siya palapit sa bintana.

"W—Wala si Zia, may mga lalaking k—kumuha sa kanya."

Natahimik si Reon. Biglang nablangko ang paningin at isip niya.

"S—Sinubukan namin siyang iligtas pero may m—mga baril sila. Reon, t—tulungan mo si Zia. Hanapin natin siya."

"A—Anong nangyari kay Zia?" mahinang wika niya. Saktong pumasok si Mary kaya napatingin ito sa kanya. "N—Nasaan si Zia?"

"H—Hindi ko rin alam," sagot ni Maricar at humagulgol sa pag-iyak kaya nasuntok ni Reon ang bintana.

"Hey, okay ka lang?" tanong ni Mary na nilapitan siya. "Reon!"
Hinawakan niya ang binata sa braso dahil namumutla ito. "Maupo ka. Ano ba ang nangyayari?"

Un-tie (R-18)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant