31

5.7K 323 37
                                    











Unedited...









Bumukas ang pintuan kaya napatayo siya. Feeling niya isa siyang mamamatay-tao na kailangan nang hatulan ng kamatayan.

Mula nang dumating siya kanina, hindi na niya nagawang kumilos nang matino. Kahit nga sa pagluluto, hirap na hirap siyang kunin ang panlasa niya.

"K—Kumain ka na ba?" tanong niya habang naghuhubad ng sapatos ang binata.

"Paki-explain ng nangyari kanina, Zia!" seryosong utos nito na palapit sa kaniya.

"A—Ang alin?" sagot niya na hindi makatingin nang diretso sa binata.

"Kailangan ko pa bang isa-isahin? Nasaan ang talino mo?" gigil na sagot ni Reon kaya napaupo ang dalaga dahil nawawalan siya ng lakas. "Explain!"

"Huwag mo akong sigawan!" inis na sabi ni Zia at sinalubong ang mga mata ni Reon. "Huwag mong isisi sa akin ang kalokohan mo!"

"Me?" ani Reon sabay turo sa sarili. "At ano na naman ang kinalaman ko sa ginawa ninyo kanina?"

"Wala akong pakialam sa buhay ninyo ni Ma'am Monica! Hindi ako nanghimasok sa relasyon ninyo at hindi kita nilandi kagaya ng paratang niya!" giit ni Zia. "Bakit parang kasalanan ko pa? Ano ba ang mali ko?"

"Kaya nga ipaliwanag mo dahil ayaw ko ng ganoong gulo sa harap ng maraming tao at sa loob mismo ng opisina ko!"

"Hindi ako ang nag-umpisa ng gulo!" diin ni Zia. "Bakit ako ang pinapaliwanag mo dahil ang girlfriend mo naman ang nag-umpisa!"

"So inaamin mo na ikaw ang nag-umpisa!"

"Hindi nga ako!" gigil na sabi na niya.

"You're my girlfriend!" sabi ni Reon.

"Ghad! Bakit ba ako ang pinag-initan mo eh ang Monica naman talaga ang nag-umpisa nun! At sino ba ang unang yumakap sa ating dalawa nang mahuli niya tayo, ha?"

"Hindi ba't sabi ko, boyfriend mo na ako? Bakit kailangan mong i-deny?" sumbat ng binata.

"Hindi nga—haist! Bakit ako ang sinisisi mo?"

"Kasi hinayaan mo lang na bastusin ka niya sa harap ng maraming tao! You even denied me!"

"Ano ba'ng dapat kong sabihin? Na boyfriend kita? Na nagsasama tayo sa iisang bahay? Do you think maniniwala sila?"

"Why not?"

"Kasi impossible!" singhal ni Zia kaya sumalubong ang kilay ng binata.

"Are you crazy, Zia? Paano maging imposible eh nagsasama na nga tayo! Ano 'to? Panaginip lang natin?" bulalas ni Reon na kung pwede lang ay lumabas na siya sa kanyang balat dahil sa pinagsasabi ni Zia.

"Totoo o hindi, walang maniniwala. Pagtatawanan lang nila ako at isiping baliw!" depensa niya. "Ikaw kaya ang nasa kalagayan ko? Palibhasa hindi mo naranasang ma-bully!"

Narinig niya ang malalim na buntonghininga ng binata at napahilot sa sintido.

"People pleaser ka rin ano?" mahina pero puno ng galit na sabi ni Reon. "Hindi ka magiging masaya kung ang palagi mong iniisip ay kung paano mapasaya ang mga tao sa paligid mo."

"Hindi ako people pleaser!" giit ni Zia.

"Then what are you?" bulyaw ng binata na parang maputol na ang ugat sa leeg. "What are you, Zia?"

Tumayo si Zia at taas-noong hinarap si Reon.

"Una, hindi kita boyfriend! Hindi ka nanligaw sa akin! You use your power para makuha mo ang gusto mo! Did you ever ask me kung gusto ko ba? Kung okay lang ba sa akin ang ganoon? Hindi, di ba? Wala kang pakialam sa feelings ko! Nabuhay ka na binabayaran ang lahat ng babaeng naikama mo! Kapag ayaw mo sa kanila, dinidispatsa mo at binibigyan ng pera! Now, tell me! Dapat ba akong umasa at umasta na parang girlfriend mo eh kung sa bawat taong nagtatanong kung sino ako, I am just a nobody ang sagot mo?" mahabang sumbat niya. Hindi na siya nagpigil pa ng nararamdaman dahil matagal na niyang ikinikimkim ang ganitong saloobin. "Para akong asong nakatali kung ituring mo!"

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now