54

6K 295 54
                                    






A/n:

Una sa lahat, happy new year. Pangala, follow nyo ako kasi free lang stories ko so kapag na follow nyo ako, happy na ako🤣 Pangatlo, stay healthy and happy!









Unedited...






"Bakit parang problemado ka?" tanong ni Zia nang dumalaw si Jeric sa kanya kasama si Trina.

"Si Daddy kasi, mali ata ang desisyon sa buhay."

"Bakit?" Napasulyap siya kay Trina na tumitingin sa wall painting ng kanyang unit.

"Itinangay ng pinagkatiwalaan niyang secretary ang pera sa isang company namin kaya ayun, naghahanap ng mauutangan para makabangon."

"Hala! Nai-report nyo na ba?" nag-aalalang tanong ni Zia.

"Yep. Nai-blotter na kaya lang, hindi na mahagilap. Lumabas na ata ng bansa."

"Grabe talaga ang tao ngayon, gagawin ang lahat magkapera lang," ani Zia.

"Maganda ang unit mo ha. Malaki rin siya tapos ang ganda ng pagkakagawa ng interior design. Sino ang gumawa?" tanong ni Trina. Ipinaalam siya ni Jeric sa mga magulang kanina at pinayagan naman siya nang sinabing dito nga sila kina Zia at Reon pupunta.

"Hindi ko alam. Nang lumipat ako rito, ganito na siya. Si Reon lang ang nakakaalam eh," sagot ni Zia.

"Gusto ko rin magpagawa kapag nakatapos na ako. Gusto ko ring magkaroon ng condo dahil ayaw ko na sa bahay," sabi ni Trina. "Pero mag-ipon muna ako."

"Nice. Para malaya na akong pumunta sa iyo at mag-sleepover lagi," ani Jeric.

"Tse! Ikaw na lang kaya ang bumili?" ani Trina na inirapan si Jeric.

"Sure. Basta everynight mag-sleep over ka sa akin ha."

"Ano ang gusto ninyong kainin?" tanong ni Zia at napatingin sa pinto nang bumukas.

"Hello!" ani Reon at lumapit kay Zia at hinalikan ito sa kanang pisngi.

"Tito, sino ang interior designer mo?" tanong ni Trina. "Maganda."

"Si Marsha," sagot ni Reon.

"Ang may-ari ng salon? Ang trans?"

"Yes. Aside from being a makeup artist, interior designer din siya."

"Ay, nice. Follower ko siya sa Instagram kaya i-message ko na lang pero hindi pa ngayon. Wala pa kasi akong condo," sagot ni Trina na napatingin sa painting. "I'm sure original na Picasso painting 'to."

"Yup. Nasa auction yan last year kaya kinuha ko na," sagot ni Reon. "Ano ang gusto ninyong kainin? Nag-merienda na ba kayo?"

"Busog kami," sagot ni Jeric. "Dumaan kami sa Jollibee."

"Kamusta na pala ang tumakbo ng pera ninyo?" tanong ni Reon.

"Ayun, hinahanap na."

"Kapag kailangan ninyo ng pera, do not hesitate to contact me."

"Thanks, Tito," pasalamat ni Jeric.

Nanood muna sila ng movie pero pagkatapos ay umuwi rin sina Jeric at Trina dahil may pupuntahan pa raw.

"Kamusta ka naman dito?" malambing na tanong ni Reon at niyakap si Zia nang silang dalawa na lang.

"Okay lang, naglinis ako ng buong bahay," sagot ng dalaga.

"I have something for you," ani Reon at kinuha ang papel saka inabot kay Zia.

"Ay, wow! Ticket natin?" ani Zia na hindi makapaniwalang magbakasyon sila ni Reon sa iba't ibang bansa.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now