Finale

8.8K 396 58
                                    


Nasa last part ka na. Follow nyo ko sha_sha0808








Unedited...





"Congrats! You're pregnant!" masayang sabi ng OB nila kaya napatutop si Zia ng bibig na halos hindi makapaniwala. Noong isang araw pa masama ang pakiramdam niya kaya tumungo na siya sa Ob dahil delayed na rin naman siya ng anim na araw.

"Oo, I'm sure matutuwa ang mga Bautista lalo na ang mga Villafuerte nito."

"Did I miss something?" tanong ni Reon na kakapasok lang dahil lumabas ito para sagutin ang tawag ng ina. "Any good news?"

Ngumiti ang Ob kay Zia kaya hinarap ni Zia ang asawa at matamis ding ngumiti.

"Mukhang gusto ko ang mga ngiti mo," ani Reon na halatang excited sa maririnig.

"Yes, I'm pregnant, Reon!" sabi ni Zia kaya napatalon si Reon sa tuwa.

"Yes! Yes! Yes!" ani Reon at binuhat si Zia na parang bagong kasal.

"Hey," natatawang sabi ni Zia sabay hampas ng marahan sa balikat ng asawa. "Baba mo 'ko."

"Be careful, Reon!" sabi ng OB kaya tila natauhan si Reon at ibinaba ang asawa.

"Ghad, I'm so excited lang," ani Reon na hindi pa rin mailarawan ang saya sa mukha. Niyakap niya ang asawa matapos mariing hinalikan sa mga labi. "Sobrang saya ko talaga, Zia!" Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ni Zia. "Promise!"

"I know," nakangiting wika ni Zia na labis din ang tuwa lalo na nang makita ang hindi matawarang reaksyon ni Reon. Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang asawa at pinakalma. "Reon?"

"Hmm?"

"Wag mo munang i-aanounce sa lahat ngayon ha. Bukas na lang," pakiusap ni Zia dahil ayaw niyang maistorbo ang moment nila. Baka kasi mamaya, ang dami nang tatawag o pupunta sa kanila.

"Oo, hindi."

"Promise mo 'yan ha."

"Oo," pangako ni Reon. Binigyan sila ng recita ng OB ng vitamins at mga pwede at bawal niyang gawin. Umuwi sila sa bahay at nag-celebrate ng bagong blessings na sila lang.

"Excited na ako sa magiging baby natin," sabi ni Reon habang nakayakap kay Zia.

"Ako rin. Ano kaya ang kasarian nito?" tanong ni Zia habang hinihimas ang sinapupunan.

"Kahit ano pero sana kambal," ani Reon.

"Asa ka!" ani Zia. "Ang hirap kaya umiri!"

"Para isahan lang, Zia. Pwede namang i-CS ka."

"Eh? Ang hirap daw ng cesarean e. Ang sakit daw ng injection ba 'yon? Sabi ng kakilala ko, kahit na matagal na siyang na-CS, sumasakit pa rin ang tahi niya at hindi pa makapagbuhat nang mabibigat tapos madalas na kumikirot."

"Eh di i-normal delivery mo na lang," ani Reon.

"Akala ko madali lang ah."

"Kung pwede na nga lang na ako na ang iiri, ako na lang eh," sabi ni Reon sabay halik sa noo ng asawa. "Pero nandito lang ako, Zia. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo lalo na kapag manganganak ka na. Palagi ko nang ipagdasal ang kaligtasan ninyong mag-ina ko."

Napangiti si Zia. Wala naman siyang pinagsisihan mula nang itinaya niya ang puso at tiwala kay Reon. Kagaya ng ipinangako nito sa harap ng altar, naging mabuting asawa ito sa kanya. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay nito at hindi ito nangangaliwa.

"May naisip ka na bang pangalan?" tanong ni Reon habang sinusuklay ng daliri ang malambot na buhok ni Zia.

"Wala pa. Ikaw ba?"

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon