49

5.4K 297 70
                                    





Unedited...

"Gusto kong lumabas!" sabi niya habang tinatanggal ni Reon ang posas sa kamay niya.

"Dito ka lang sa kwarto."

"Gusto ko nang umuwi!"

"Huwag mo akong piliting posasan ka ulit, Zia!"

"Alipin mo na nga ako, bihag mo pa!"

"You leave me no choice!"

"Pakawalan mo na ako, Reon! Gusto ko na talagang umuwi!"

"Uuwi ka kapag sinabi ko!" sabi ni Reon habang nagsusuot ng pantalon.

"Bakit ba ayaw mong ibigay ang kalayaan ko?"

"Ibinigay ko na ang kalayaan mo noon pero hindi mo ginamit nang tama!"

"Wala akong matandaang ibinigay mo!" madiing sabi ni Zia.

"Papasok ka pa ba—"

"Titigil na ako sa pag-aaral!"

"Titigil ka? Sure! Wala namang problema sa akin na makasama ka araw-araw," tugon ni Reon at humarap sa dalaga. "Sasama ka sa opisina at uuwi rito kasama ako."

"Hindi mo 'ko buntot!" nakataas ang kanang kilay na sabi ni Zia at tumayo saka lumapit sa pintuan at binuksan pero hindi niya mabuksan kaya humarap sya sa binata. "Ano 'to, Reon?"

"I told you, hindi ka lalabas!"

"Nahihibang ka na ba?"

"Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, Zia!"

"Bakit ba ang sama mo?" bulyaw ng dalaga saka pinaghahagis ang unan sa binata pero hindi man lang natinag si Reon.

"Mamili ka. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo o manatili ka rito?"

"Sumusobra ka na!" gigil na sabi niya kay Reon.

"Mag-isip ka. Bigyan kita ng dalawang araw para pag-isipan ang nais mo sa buhay."

"Wala akong ibang gusto kundi ang mapalayo sa 'yo!"

"Magkaiba tayo ng gusto at sa ating dalawa, ako ang laging masusunod, Zia!"

"Bakit ang sama mo sa akin?" mahinang tanong ni Zia.

"Dahil hindi ka naging mabuti sa akin!" seryosong sagot ni Reon saka lumabas ng kwarto kaya nanghihinang napaupo si Zia sa kama at napahilamos sa mukha. Gusto niyang umiyak pero wala na siyang luha. Gabi na nang magising siya at magdamag siyang nakaposas habang pinagsasawaan ni Reon ang kanyang katawan. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil kahit na galit sya sa binata, nagre-react pa rin ang kanyang katawan dito.

Iginala niya ang paningin sa buong silid, mas lalo siyang mababaliw kung manatili siya rito sa hotel pero ayaw na niyang mag-aral pa dahil paunti-unti ay nawawalan na siya ng gana. Napakagulo ng utak niya ngayon kaya uunahin na muna niya ang mental health niya pero mas lalo ata siyang mabaliw kapag kasama niya si Reon.

Napasulyap siya sa binata na muling pumasok at naghanap ng masusuot.

"Gusto mong sumama?" tanong ni Reon.

"Gusto kong magpahinga dahil pagod ako!"

"Ikaw ang bahala. May pagkain naman sa ref kung magutom ka. Tumawag ka sa akin kapag may kailangan ka at ipahatid ko kina Marvin."

"Paano kapag masunog ang hotel? Eh di matusta ako rito?"

"Bago pa man makarating ang apoy sa 'yo, mailabas ka na ng bodyguards mo."

"Ako ang susunog ng hotel na ito! Dito manggagaling ang apoy."

"Wala ka na ba talagang maisip kundi ang pagiging isip bata mo?" pikong tanong ni Reon.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now