60

7.3K 295 81
                                    


A/n:

Alam kong may iba rito na reader ko na bago pa na-report ang old account ko. From Ryan, Patch at Karl na story. Marami na rin po kayong nabasang twist or hinulaan sa story ko so I assumed na kilala na ninyo ako pagdating sa pagsusulat. Kumbaga alam nyo na kung paano basahin ang utak ko or style ko sa writing, ganern😚...

Unedited...

"Okay lang ba na iwan natin si Zia?" tanong ni Ian na nasa backseat.

"Oo. Marami naman siyang bantay at nandiyan si Tito Reon," sagot ni Jeric at pinaandar ang sasakyan.

"Ano ang plano ninyo?" tanong ni Ian.

"Magbabakasyon nga. Mamaya na ang flight namin ni Trina kaya kailangan na naming makapunta sa airport," sagot ni Jeric.

"Dala mo ba ang passport natin?" tanong niya kay Trina habang nagmamaneho na palabas ng resort.

"Oo, nasa bag ko na po."

"Good!" ani Jeric.

Bang!

"Kyah!" tili ni Trina nang marinig ang putok at napatakip sa ulo. "Oh my ghad!" Pagpa-panic niya. "J—Jeric! What happened?"

"Shit!" bulalas ni Jeric nang ma-flat ang gulong kaya bigla niyang inihinto ang pagmaneho. Napasulyap siya sa side mirror. Patungo sa kanila si Reon kasama ang dalawang armadong tauhan nito. "Nalintikan na!"

"A—Ano ang nangyayari?" natatakot na tanong ni Trina. "A—Are we going to die?"

"It's okay," ani Jeric.

"Tol, ano 'to?" nagtatakang tanong ni Ian.

Binuksan ni Jeric ang sasakyan nang kinatok ni Reon.

"Baba!" utos ni Reon.

"May hahabulin pa kaming flight," sabi ni Jeric pero napilitang bumaba nang tutukan ng baril. Si Trina ay umiiyak na bumaba.

"Tito, wag mo namang takutin si Trina."

"Balik sa resthouse!" utos ni Reon kaya napanganga si Jeric.

"Zia, ano 'to?" inis na tanong ni Jeric nang makarating si Zia sa kanila. "Hey!" bulalas niya at umiwas nang hablutin sana ni Reon ang damit niya.

"Baba mo ang turtle neck mo!" utos ni Reon.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Jeric. "Ano ba ang problema mo?"

"Baba mo sabi!" gigil na sabi ni Reon saka tinutukan ng baril si Jeric sa ulo.

"T—Tito, please, wag!" pakiusap ni Trina at niyakap si Jeric. "P—Parang awa mo na po."

"Ibaba mo ang turtle neck mo o dalawa kayong mawala sa mundo?" pagbabanta ni Reon.

"Fine!" ani Jeric saka napilitang ibaba ang tumatakip sa leeg saka napatingin kay Trina na labis na nag-aalala.

Napatingin si Reon sa marka sa leeg niya pati na rin si Zia.

"Pati ba privacy ko, pakialaman ninyo?" inis na sabi ni Jeric. "Sana hindi na lang namin dinalaw si Zia."

"Ibalik ninyo sa resthouse. Walang aalis sa inyong tatlo hanggat hindi ko sinasabi! Marvin, kunin ninyo ang cellphone nila."

"Hey! May bakasyon pa kami!" tanggi ni Jeric pero wala ring nagawa dahil sa baril kaya ibinigay nila ang cellphone at sumunod pabalik sa bahay.

Inis na naupo si Jeric sa tabi ni Trina sabay takip sa leeg na may marka.

"Para na rin kaming kidnap victim ah," ani Jeric. "Sumbong kita kay Daddy. Kahit na mahirap lang kami, may karapatan pa rin kaming maging malaya."

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon