6(R-18)

12.3K 307 22
                                    






Unedited...






"Uy, di ka na magsasalamin?" tanong Petra habang nagbibihis siya.

"Eye protector na lang 'to," sagot niya.

"Talaga? Nakapatingin ka na pala sa optha?"

"Ni-laser ang mga mata ko," sagot niya.

"Talaga? Kailan pa?"

"Last week," sagot niya.

"Magkano?"

"S—Si Tita ang nagbayad," kabadong sagot niya. "Medyo nakaluwang-luwang kasi siya sa manokan namin at nagpakopras sya ng niyog kaya sabi niya, ipaayos ko na raw ang mga mata ko."

"Ganoon ba? Mabuti naman. Mahirap nang lumabo pa lalo at tumaas ang grado ng mga mata mo."

"Kaya nga eh," aniya na nakahinga nang maluwag dahil hindi niya nakitaan ng pagdududa ang kaibigan. "Tapos ka na ba? Tara na."

"Mauna ka na, kakain muna ako," sabi ni Petra. "Ikaw? Hindi ka ba kakain? May itlog pa ako, hati tayo."

"Huwag na. Sa canteen na lang ako kakain kapag magutom ako."

"Oo nga, libre na pala ang pagkain sa canteen," ani Petra. Tinupad naman ni Reon ang pangakong ililibre ang mga working student ng pagkain sa canteen para makatulong sa kanilang gastusin.

Dinampot niya ang shoulder bag at naglakad patungo sa paaralan. Isang linggo na mula nang may mangyari sa kanila ni Reon pero hindi na niya ito nakita pa. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na may nangyari sa kanilang dalawa. Minsan pagkagising niya, itinatanong niya sa sarili kung totoo nga bang may nangyari sa kanilang dalawa.

"Tapos na iyon kaya move on ka na!" bulong niya sa sarili habang naglalakad. Iyon na nga siguro ang kabayaran ng edukasyon niya kahit na ayaw naman sana niya. Wala na siyang magagawa pa. Virginity lang iyon! Walang nakakaalam na isinuko na niya kaya wala namang manghuhusga sa kanya. Gagaya na lang siya sa tita niya na tumandang walang asawa. Firstimer niya kaya wala naman sigurong masama kung madumi ang tingin niya sa sarili dahil hindi na niya mapapangasawa ang nakauna sa kanya. Malabo talaga! Iba talaga kapag maraming pera, nakukuha nila ang gusto nila sa mundo at walang magawa ang nagiging biktima nila. Ginusto naman niya eh. Kung tutuusin, maraming chance na tumanggi siya pero hindi ginusto niya iyon. Masakit man pero ang-enjoy siya.

Nakisabayan siya sa mga estudyanteng pumasok sa gate ng Westbridge. Unlike sa iba, wala siyang gaanong kaibigan sa classroom dahil puro trabaho siya. Isa pa, hindi niya ka-level ang mga nandito. Kung may working student man siyang kakilala, magkaiba naman sila ng year level o kurso. Napasulyap siya sa mga mamahaling sasakyang nasa parking lot.

"Makakabili ka rin niyan para sa tita mo, soon!" bulong niya na nagsimula na namang mangarap. Napabuntonghininga siya. Sana ang buhay niya ay mala-wattpad na may himala. Iyong tipong magising na lang siya na mayaman pala siya dahil siya ang nawawalang anak ng mayamang pamilya pero malabong mangyari. Kilala niya ang pamilya mula ulo hanggang talampakan at pobre talaga sila.

"Zia!" masiglang bati ni Jeric nang pumasok siya. "Bes!" nakangising sinalubong siya nito.

"Wala akong assignment!" sabi niya na alam na kung bakit ang bait nitong kaklase niya.

"Ikaw pa," ani Jeric saka inakbayan siya. Noong una, asiwa siya sa pagiging malapit nito sa kanya pero hindi naglaon, nasanay na siya. Ang weird nga noong una dahil ang pogi ni Jeric tapos mayaman pa pero ito mismo ang lumalapit sa kanya. Iyon pala ay mangongopya lang. "Sige na, bes. Hindi naman nakakabawas ng talino mo ang magpakopya eh."

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now