chapter 4

9.3K 322 19
                                    








A/n:

Paki-press po ng "follow" button tutal nagbabasa ka rin naman nito😂

R-18 to. Read at your own risk po kaya kung di bet o naka-trigger sa inyo, wag nang ituloy ang pagbabasa bago pa mauwi sa pagpindot mo ng report story o account.













Unedited....











"Good morning, sir!" masiglang bati ni Aleng Kareng nang lumabas siya sa kwarto ng kanyang opisina.

"Morning, Aleng Kareng," bati niya at tumungo sa mini kitchen.

"Gusto mo ng kape, pagtimpla kita," sabi ni Aleng Kareng.

"Huwag na ho, ipagpatuloy mo na lang ang ginagawa mo."

"Patapos na ako."

"Ako na ho ang gagawa," sabi ng binata.

"Akala ko umuwi ka sa hotel."

"Tinatamad ako," sagot ng binata kaya tinawagan niya ang driver kagabi na huwag na muna siyang sunduin. "Ang dami kong ginawa kagabi."

Malawak ang kanyang opisina at kalahati nito ay ginawa rin niyang tirahan na parang condo style. Nandito na ang lahat, mini kitchen, sala, higaan at shower room. Kung hindi sa hotel, dito siya madalas na namamalagi lalo na kapag wala siyang kaniig. Masasabi niyang disente siya rito dahil ni minsan, hindi siya nag-uwi ng babae sa opisina.

"Kailan ka pa kaya mag-asawa at nang uuwi ka na sa mansion mo?" tanong ni Aleng Kareng.

"Malabo," sagot ng binata at pinindot ang 'coffee' s coffee machine saka nilagyan ng mug.

"Tumatanda ka na. Mas maganda kapag nagkaanak ka rin. Nasa iyo naman ang lahat. Ano pa ba ang hinahanap mo?"

Napailing ang binata saka kinuha ang mug na puno na ng kape at nilagyan ng isang teaspoon ng asukal at kaunting coffee milk.

"Kahit na uugod-ugod na ako, makakaanak pa rin naman ho ako kapag ginusto ko."

"Naku! Tapos hindi mo na makita ang apo mo? Tumigil ka!" ani Aleng Kareng kaya natawa ang binata at bitbit ang kape, lumapit siya sa bintana at tumingin sa iilang building sa harap ng kanyang malaking gusali.

"Hindi pa ho ngayon. Madaling magkaanak, mahirap humanap ng mabuting ina, Aleng Kareng."

"Marami namang babae na willing magbigay sa 'yo ng anak, pili ka lang."

"Kasi may pera ako," sabi niya at humigop ng kape. "Pera lang ang habol nila."

"Gwapo ka. Bonus na lang na mayaman ka kaya kahit na mahirap ka, marami pa ring papatol sa 'yo."

"Ayaw ko munang isipin ang anak, nag-i-enjoy pa ako sa buhay-binata," sagot niya.

"Bahala ka nga."

"Aleng Kareng, sa Lunes mo na lang po linisin ang bahay ko sa hotel."

"Sige."

Nang matapos ang matanda sa paglilinis, lumabas din siya sa opisina at itinuon ang atensyon sa mga papeles na nasa mesa.

Tumunog ang telepono kaya sinagot niya.

"Sir, may impormasyon na ako sa pinapagawa mo," sabi ni Mario.

"Sige, pasok ka," sabi niya at ibinaba ang telepono. Matapos ang tatlong minuto, may kumatok ng tatlong beses at bumukas ang pinto. Pumasok si Mario at lumapit sa kanya.

"Ano na?"

"Wala na siyang mga magulang at tita na lang niya ang nagpapaaral sa kanya sa pamamagitan ng manukan nila. May maliit na palayan din ang tita nito at iyon lang ang pangkabuhayan nila," pagbalita ni Mario kay Reon.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon