46

5.3K 275 34
                                    











Unedited...








"Susunduin kita mamaya."

"Huwag na."

Napalingon si Reon kay Zia na nagbibihis para pumasok sa paaralan.

"Bakit?"

"May pupuntahan kami nina Jeric. Nagpapasama siya kasama si Trina. Hindi kasi sasama yung mga kaibigan ni Trina kaya ako ang sasama sa kanila sa MOA."

"Bakit kailangan kasama ka?"

"Baka makita sila ng parents ni Trina."

"So?"

"Alam mo namang nag-iingat sila at okay na sa parents ni Trina na lumabas sila basta may kasamang kaibigan," sagot ni Zia at itinali ang buhok.

"Hindi ka chaperone, Zia! May boyfriend ka ring naghihintay sa bahay!" paalala ni Reon at inayos ang buhok.

"Hindi naman kami gabihin. Isa pa, gusto ko ring mamasyal."

"Ilang beses ka pa bang mamasyal sa kada linggo?" inis na tanong ng binata.

"Minsan lang kapag niyaya at may kasama."

"Pero kapag ako ang mag-aya, ayaw mo! Ano ba talaga ako sa iyo, Zia?"

Humarap si Zia kay Reon.

"Bakit mo natanong?"

"Ilang linggo na kitang hinahayaang sumama sa mga kaklase mo o barkada mo. Every weekends, sila parati ang kasama mo kaysa sa akin. Kailan ka pa magkaroon ng time sa akin?"

"May time naman ako sa 'yo a. Araw-araw, gabi-gabi naman tayong magkasama," sagot ni Zia.

"Hindi mo ako naiintindihan!" ani Reon na salubong ang kilay.

"Hindi mo rin ako nauunawaan!" giit ni Zia.

"Na ano, Zia? Na kailangan mo ng pampalipas para makalimutan ang nangyari?" tanong ni Reon na tumaas ang boses. "Ano ang tingin mo sa akin? Hindi naapektuhan? Na wala lang kahit na nawalan tayo ng anak? Masakit din sa akin, Zia! Hindi lang ikaw ang magulang!" Hindi na niya kaya dahil mag-isanh buwan nang nawala ang anak pero paunti-unting nag-iba ang ugali ni Zia. Hindi na ito pumipirmi sa bahay at mas madalas pa nitong kausap ang mga kaibigan kaysa sa kanya.

"Alis na ako!" paalam ni Zia.

"Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong talikuran!" galit na wika ni Reon.

"Male-late na ako."

"Ano ba ang mahalaga sa iyo, Zia? Puro ka na lang pag-aaral! Gawin mo namang balance ang buhay mo!"

Pikong humarap si Zia at sinalubong ang tingin ni Reon.

"Hindi mo ba ako naintindihan, Reon? Mahalaga sa akin ang pag-aaral! Mahalaga rin sa akin ang sanggol na iyon dahil sa katawan ko siya nabuo! Ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala dahil ako ang nagdadala sa kanya pero hindi ko kayang magmukmok dahil nalulungkot ako, Reon! Pakiramdam ko ang sama kong ina dahil pinabayaan ko siya!" may pagsisising wika ng dalaga na naalala na naman ang nawalang anak. Siguro lumalaki na ang tiyan na ngayon kung nabuo lang iyon. Kahit na hindi pala siya handa noon, masakit pa rin na mawalan ng anak.

"Kaya nga dapat na magtulungan tayo, di ba? Hindi iyong puro na lang ikaw ang iniintindi," sabi ni Reon.

"Alis na ako, Reon. Please, ayaw kong makipagtalo," pakiusap niya at lumabas na ng bahay. Ni hindi na niya nilingon pa si Reon dahil baka magtalo na naman sila.

"Morning," bati ni Mario.

"Morning," nakangiting bati ni Zia at sumakay. Nasanay na siya sa ganitong routine. Hindi na rin siya pinag-uusapan ng mga estudyante at nasanay na silang may tigasundo't hatid siya. Kahit na ang pagsuot ng mamahaling gamit ay hindi na sila nanibago sa kanya.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now