Chapter 1

193K 3.7K 368
                                    

Chapter 1

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ang kwarto ni Phoenix. Kakikitaan ito ng karangyaan at sa totoo lang ay parang gusto ko nang magback out sa pagmamassage na gagawin ko sa kanya mamaya.

Bumuntong-hininga ako at napatingin sa tray kung saan nakalagay ang mga lotion, oils at iba pang mga kagamitan na kakailangan ko para sa pagmamasahe sa kanya. Katabi nito ang scented candle na kanina ko pa sinindihan. Umupo muna ako at para akong tanga dahil kanina ko pa kinakagat ang mga kuko sa daliri.

Bumukas ang pinto ng kanyang bathroom at agad akong nag-iwas ng tingin nang makita siyang nakatapis lang ng tuwalya.

I wouldn't deny it. Sa sandaling pagtama ng mga mata ko sa kanyang katawan ay hindi ko mapigilan ang paghanga. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa isang Phoenix Dela Vega? He is every woman's dream, except for me of course.

Naglakad siya papunta sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Bahagya akong napapiksi pero nang iangat ko ang mga mata sa kanya ay ganun nalang ang magkahalong lungkot at awa na rumehistro dito. Bigla ay naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong mga mata dahil sa inasta niya.

Tumikhim siya. "You needed money Millicent. Ayaw mo namang tanggapin bilang tulong ang perang ipinambayad ko sa hospital. Kaya sumang-ayon ako dito sa naisip mong paraan para unti-unti mong mabayaran ang mga ginastos ko, para sa pagpapa-diagnose sa nanay mo. I told you, you need not to do this. Pwede mo naman akong bayaran kapag nagkapera ka na."

Tinitigan ko siya sa mga mata. Never in my whole life that my considered foe would be requesting for my service. Tama siya, ideya ko ito at pumayag naman siya dahil siguro awang-awa na siya sa akin.

"Hindi ko kayang bayaran ang mga ginastos mo para sa nanay ko. Siguro matagal pa kapag nagkaroon ako ng mas magandang trabaho. Pero sa ngayon ay kahit sa pamamagitan lamang ng serbisyong ito. Kahit ilang beses mong hilingin ang serbisyo ko Phoenix, papayag ako. You're the one who helped me and my family. H-hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka ng gabing iyon."

Tumango siya at hahawakan niya sana ang aking pisngi pero ramdam kong pinigilan niya lamang ang sarili.

Sa totoo lang ay nalilito ako kung bakit ganito nalang ang concern niya sa akin. Kung tutuusin ay walang puso ang lalaking ito dahil sa dami ng pinaiyak at winasak niyang puso.

Naglakad siya papunta sa bedside table at binuksan ang wine. Nagsalin siya sa dalawang kopita at binigay sa akin ang isa.

"Thanks." Hindi na ako tumanggi dahil alam kong kailangan ko ito. We are alone in this room and I would be going to massage him, for Pete's sake!

Diretso kong ininom ang wine pagkatapos ay sinalinan niya ulit ito. I didn't say no for the second time.

Nang matapos ko ang pag-inom ng binigay niya ay pinadapa ko na siya sa kama. Napalunok ako dahil sa nakikita kong kagandahan ng isang Phoenix Dela Vega.

His hard and taut muscles. The beauty of his back is a temptation. Para bang gusto ko nalang itong titigan. Para bang ang sarap niyang sakyan. Napailing ako at mabilis na iwinaksi ang pangmamanyak na ginagawa ko sa kanya sa aking isip. Lumapit ako sa bedside table.

"What do you want me to use, Phoenix? Oil, lotion?"

"Whatever you prefer."

Kinuha ko ang oil at maliit na towel. Kahit nanginginig ang mga kamay ay tinanggal ko pa din ang malaking tuwalya na nakatapis sa kanyang bewang.

"You're nervous, binibini." I heard him say.

I heaved a sigh and shook my head. "Pag hindi mo gusto ang ginagawa ko, pwede akong tumigil."

SurrenderWhere stories live. Discover now