Chapter 19

100K 2.1K 54
                                    

Chapter 19

"Nay..."

Mula sa pagkakaupo sa harap ng hapagkainan ay tumayo ang nanay. Humarap siya sa pintuan kung saan ako nakatayo, ganun din sila Neo at Nymph.

Malaki ang ngiti sa labi ng mga kapatid ko pagkakita sa akin. Tumayo sila at inunahan ang nanay paglapit sa akin.

Humalik sa akin si Neo. "Ate, ba't di ka umuwi kagabi?" Kumunot ang kanyang noo. "Magpapaturo pa naman ako ng assignment sa'yo. Math kasi, hindi marunong si ate Nymph!"

"Hoy Neo!" natatawang tawag sa kanya ni Nymph.

Yumakap din siya sa akin at humalik. "Alam mo naman ate, ayoko ng math!"

Hindi na niya kailangang sabihin iyon. I knew that from the day she started schooling. She was an intelligent girl but she hated Math. Ewan ko ba ganun yata talaga. Parang pinapatunayan niya ang kasabihang, 'English and Math are rival subjects'. Ngunit hindi naman sa lahat ng pagkakataon dahil noong nag-aaral pa ako ay pareho kong minahal ang dalawang subjects na iyon.

"Hey kids."

Kumalas ang dalawa sa akin at tumingin sa aking likuran. Dumiretso ako sa nanay at humalik sa kanya. Nagbatian sila Phoenix at mga kapatid ko.

"Nay nasaan po yung nurse na nagbabantay sa inyo?" Sinulyapan ko si Phoenix na kausap pa din sila Nymph. "Pasensya na po at hindi ko kayo mabantayan. Kailangan ko din po kasing magtrabaho."

"Kaya mo pa ba anak?" Hindi niya sinagot ang aking tanong. Umupo kami sa settee.

Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang braso. "Oo naman po. Lahat naman po gagawin ko para sa inyo. Lahat gagawin ko para tuluyan na kayong gumaling."

She gave me a poignant smile that made my smile fade. Tatanungin ko sana kung anong problema ngunit bigla siyang tumayo at tinalikuran ako.

"Salamat anak." Her voice quavered.

Akmang hahawakan ko siya nang bigla siyang humakbang patungo sa kanyang kwarto. Nasa pinto na siya nang lingunin niya ako. She showed me that smile again.

"I love you." She mouthed.

Wala akong ideya kung bakit ganito ang ikinikilos niya.

"What's with the blue face?" Phoenix sat beside me. Mukhang lumabas ang dalawang bata dahil nawala ang mga ito.

Humilig ako sa kanyang balikat. Nagpilit ako ng ngiti.

"Wala." Pagsisinungaling ko.

Ramdam kong hindi siya naniwala ngunit nanahimik na lamang siya.

"Matutulog na ba ang nanay?"

"Baka. Mukhang inaantok na siya." I looked up and caught him watching me.

"How 'bout my binibini? Doesn't she want to sleep yet?"

"Inaantok na ako." Pinikit ko ang mga mata. "Pero hindi pa pumapasok sila Nymph." Hindi ako pwedeng magpahinga nang hindi pa sila bumabalik. "Could you please look for them?"

"No worries." He stood me up and girthed his arms on my waist. "Let me take you to your room first."

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Hindi ko na nga alam kung anong oras umuwi si Phoenix kagabi.

Pagkabukas ko ng pinto ng aking kwarto ay bumungad sa akin ang nanay na nagluluto sa kusina. Mabilis akong lumapit sa kanya at inagaw ang sandok.

"Nay!"

Pero imbes na magulat sa ginawa ko ay nginitian niya lamang ako. Muli niyang kinuha ang sandok sa aking kamay at pinagpatuloy ang pagluluto ng sinangag.

SurrenderWhere stories live. Discover now