Chapter 46

94.3K 2.4K 202
                                    

Chapter 46

Hindi ako nakapagsalita. Nakarinig ako ng yabag at muli ko siyang itinulak. Nang makita ko kung sino ito ay muli, hindi ko naiwasan ang mapalunok.

"Daucus..." Usal ko.

Lumapit siya sa amin. Nakaigting ang kanyang panga at hindi inaalis ang tingin kay Phoenix.

"Go to my car. I'll follow you there." Aniya.

Hinawakan ko ang kanyang braso ngunit agad ding hinawakan ni Phoenix ang isa ko pang kamay. Nang tignan ko siya ay tila ilang beses akong tinusok sa dibdib dahil sa lungkot sa kanyang mga mata. Nakatingin siya sa aking kamay na nakahawak kay Daucus.

"Get inside mine not his." Pagtukoy niya sa kanyang Chrysler.

Inalis ko ang hawak kay Daucus. "Phoenix... kailangan ko nang umuwi." Pinilit kong kumawala sa kanyang hawak.

Tinalikuran ko sila at dumiretso sa kotse ni Daucus. Sumakay ako sa passenger seat at hindi na tinignan si Phoenix.

Ayokong makita ang kanyang reaksyon. It would just put my heart in extreme trouble.

Bumukas ang pinto at pumasok si Daucus. Agad niyang pinaandar ang sasakyan nang hindi man lang umiimik.

"DC..." Tawag ko sa kanya ilang minuto ang nakaraan. "Hey..."

"Now that he's back. What's your plan?" Malalim at seryoso niyang tanong.

Hindi ako nakaimik.

"Millicent... sumagot ka."

Nilingon niya ako at ako naman ang nag-iwas ng tingin.

"Hindi ko alam."

Muli kaming natabunan ng katahimikan. Nakarating kami sa bahay. Pababa na ako nang hawakan niya ang aking kamay.

Bumaba ang tingin ko dito hanggang sa dumapo ang aking mga mata sa kanyang mukha. Nagtama ang aming paningin.

"Hindi ko mapigilang masaktan sa nakita ko kanina." Pinilit niyang ngumiti.

Iniwas ko ang tingin.

"I don't know what to do if you come back to him." Paos ang boses niyang sabi. "You told me we're just friends. I know it's wrong to keep expecting that someday you'll love me back... but I can't stop."

Pinisil ko ang kamay niya at malungkot na ngumiti. Hindi ko magawang magalit dahil naiintindihan ko siya. Sa nakalipas na taon ay hindi siya nabigong iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal kahit na ilang beses ko siyang pinagbawalan.

"I'm sorry if I'm like him."

Muli ko siyang tinignan. Inilapit niya ang labi sa aking kamay at hinalikan ang likod nito.

"I just... I just love you so much."

"T-thank you for your love, Daucus. Pero-"

"Stop." Pigil niya. "Mas lalo akong masasaktan 'pag tinuloy mo na naman 'yan." Binitawan niya ang aking kamay. Sumandal siya sa headrest.

Hindi na ako naghintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto.

"Thank you sa paghatid. Pasok na ako." Sabi ko bago iyon muling isara.

Tumungo ako papasok sa bahay. Dahil tulog na ang mga tao ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Nadatnan kong gising pa si Kaitlyn pati na rin ang anak ko.

Bumuntong-hininga ako at kinuha sa kanya si Preston.

"Bakit hindi pa siya natutulog?" Tanong ko.

SurrenderOn viuen les histories. Descobreix ara