Chapter 22

91.4K 2K 110
                                    

Chapter 22

Nakarating kami sa bahay niya. Wala ni isa ang kumibo sa amin papunta dito. Nakabibingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako. Lumabas ako ng kotse at nagsimulang maglakad. Napatigil lang ako nang maramdaman ko ang mga bisig niya, ang mainit niyang yakap mula sa aking likod.

"Phoenix..."

"Nakatulog ka ba kagabi?" Malambing niyang tanong.

Napapikit ako sa init ng hininga niya sa bandang tenga ko. Hinarap ko siya ngunit pinanatili ko ang seryoso kong ekspresyon.

I needed to look stolid. Kailangan pa naming pag-usapan ang mga nangyari.

"Oo..." Iniwas ko ang tingin at kinalas ang kamay niyang nakapulupot sa aking bewang. "Pagluluto muna kita. Sunod ka na lang sa kusina kung gusto mo."

I entered his house and walked straight to his kitchen. Inihanda ko ang mga gamit at binuksan ang fridge para tignan kung ano ang pwede kong lutuin. Nakakita ako ng pork at mga sangkap na pwede sa adobo.

"Our cook will do that." It's him.

Hindi ko siya pinansin at hinugasan ang karne ng baboy. Nagpatuloy ako sa pagkilos hanggang sa may maalala ako. Humarap ako sa kanya.

"Naiwan ko pala ang mga gamit ko sa restaurant." I chewed my bottom lip. "Pwedeng makitawag?"

He came near me. Mula sa bulsa ng kanyang trouser ay dinukot niya ang mamahalin niyang cellphone. Inabot niya ito sa akin.

Nakatitig lang siya sa akin dahilan ng pagbuntong-hininga ko. He didn't go to work. Sa suot niya pa lang ay kinakain na ako ng konsensya. Kung sana ay hinarap ko na lang siya kagabi. Tuloy dahil sa akin ay naaapektuhan ang trabaho niya.

Tinalikuran ko siya at ipinikit ang aking mga mata pagkatapos kong itype ang number ni Oria.

"Hello, Millicent..." Ani Oria sa kabilang linya.

"Ahm... do you have..." Lumunok ako at inisip na wala si Phoenix sa likod ko. Wala naman akong gagawing masama. I'd just get Daucus number. "Do you have his number?"

"Whose number?" Tanong niya.

"Daucus."

"Diba magkasama kayo?"

"No. Kasama ko na si Phoenix." Itinungkod ko ang isang kamay sa counter top. "Meron ka bang number niya? Naiwan ko kasi ang bag ko sa restaurant-"

"You had a date?!" Gulat niyang tanong.

"No! Kumain lang kami ano ba!" Hindi ko napigilan ang umirap."Seriously, Oria. Just give me his number."

"You hair's so long. I want to cut that, Millie." Natatawa niyang sabi. "Parang kailan lang, inis na inis ka kay Daucus. Ngayon sumasama ka na sa kanya. Kung ayaw mo na kay Phoenix, sabihin mo lang. Madaming babae ang handang saluhin siya." Biro niya.

Muling umikot ang mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis ko at nagagawa kong pag-usapan si Daucus kahit na nandito si Phoenix.

"Joke lang." She chortled. "Text ko na lang number niya."

"Sige." Ibinaba ko ang tawag at hinarap si Phoenix.

Iniwas niya ang tingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang tumiklop. Now, he's mad!

Inabot ko sa kanya ang cellphone. Babawiin ko na sana ang kamay ko nang pigilin niya ito. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang inis. Hinigit niya ako palapit sa kanya.

SurrenderOnde as histórias ganham vida. Descobre agora