Chapter 5

137K 2.8K 82
                                    

Chapter 5

"N-nymph? Anong ginagawa mo? Teka saan kayo pupunta ni Neo?"

Nilingon ako ng dalawa kong kapatid. May dala si Nymph na bilao na may mga laman na turon. Para akong nawalan ng dugo sa mukha.

Ngumiti ng tipid si Nymph. "Wag mo kaming piitin ate. G-ginagawa namin 'to para tulungan ka. Kaya na naman namin. Wag ka nang mag-alala-"

"Nymph hindi niyo kailangang gawin ito!" Sabi ko at aagawin na sana ang bilao ngunit agad niya itong nilayo sa akin. Kagagaling lang nila sa school pagkatapos ay naisipan pa nilang gawin ito.

Humalik siya sa pisngi ko at malungkot na ngumiti. "Pamilya tayo ate. Kailangan nating magtulungan. Nahihirapan ka na. Ayaw naming maging pabigat ni Neo."

"Nymph! Hindi kayo pabigat!"

Tumango siya at nagulat ako nang hawakan ni Neo ang kamay ko. Muntik nang pumatak ang luha ko dahil sa paghalik niya dito.

"Pumasok ka na ate. Baka mahuli ka sa trabaho. Hindi ka na nga pumasok kanina diba? Ingat ka ate ah. Wag kang mag-alala. Pogi naman ako at maganda si ate Nymph. Mauubos 'to agad." Matamis siyang ngumiti.

Hindi ko na sila napigilan dahil naglakad na sila palayo sa akin. Sa murang edad ay naiisipan na nilang gumawa ng ganitong bagay. Mamaya pag-uwi ko ay pag-uusapan naming tatlo ang tungkol sa bagay na ito.

Tumingin ako sa bahay namin at bumuntong-hininga. Inayos ko ang kulay puting uniporme at nagtawag ng tricycle para ihatid ako sa lugar kung saan ako nagtatrabaho.

Nang makarating ako ay sinalubong ako ng boss namin na si Mrs. Quejas. "Madaming customer Millicent. Ayaw nilang magpamassage kapag hindi ikaw ang magbibigay ng serbisyo."

Nakita ko ang limang lalaki na nakaupo sa sofa. Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil regular customer ko ang ginagayon ni Mrs. Quejas. Maliban sa isang lalaking nakatakip ng magazine ang mukha.

Kumunot ang noo ko at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang si Phoenix Dela Vega ito!

Seryoso ang kanyang mukha. Ibinaba na niyang tuluyan ang magazine at tinitigan ako.

Tumikhim ako at hindi nagpadala sa presensya niya. Dahil siya ang nasa huli sa pila ay ibig-sabihin siya ang huli sa kanilang lima.

"Hi Millicent." Tumayo si Jolo at hinawakan ang kaliwang balikat niya. Lumapit siya sa akin.

"Masakit na naman ang balikat mo? Mag girlfriend ka na kasi para may magmamasahe sayo pagkagaling mo sa trabaho!" Biro ko.

Ngumuso naman ang lalaki. "Gusto kong mag-girlfriend Millicent. Pero 'yung gusto kong babae taken na." Makahulugan siyang tumingin sa akin.

Narinig ko ang malakas na pagtikhim. Napabaling ang atensyon namin kay Phoenix na nakataas ang kilay habang nakadewatro sa pagkakaupo. Sa likod ko ay ang mga kaibigan at kasamahan ko na impit na tumitili.

"Shit. Ang pogi niya talaga!" Sabi ni Marian.

"Kung bakit kasi ayaw pang magpamasahe ni pogi eh! Gusto niya din ata si Millicent ang magmamasahe sa kanya." Bulong ni Asia.

Naiimagine ko ang matulis na pagnguso ni Asia. Magaganda ang mga massage and reflexology therapists na mga kasamahan ko. Hindi ko nga alam kung nagkataon lang. Pero lahat talaga sila ay may ibubuga kung katawan at ganda ang pag-uusapan. Iyon marahil ang dahilan kung bakit madami ang mga customer na nagpapabalik-balik dito sa CARESS.

"Hoy, Millicent bru! Kilala mo ba si Sir Pogi?" Kalbit ni Oria sa akin.

Nginitian ko siya. "Hindi. Pogi ba? Hindi naman ah." Sabi ko habang nakatingin kay Phoenix.

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon