Chapter 11

98.4K 2.1K 113
                                    

Chapter 11

"Millie, kanina ka pa tahimik."

Nilingon ko si Monica halata sa mukha niya ang pag-aalala.

Ilang araw na nila akong hindi makausap nang matino dahil sa mga nangyari sa akin nitong nakaraang araw. Sobrang bilis ng pangyayari na hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa ginawa ni Nigel na pagpunta sa bahay namin. Hindi rin ako pinatatahimik ng mga salitang binitawan ni Phoenix.

Tumikhim ako at tumingin sa gawi ni Phoenix. Kinabahan ako nang makitang nasa akin ang buong atensyon niya kahit kinakausap siya nila Colton.

"P-punta lang akong CR Monica." Hindi ko na siya hinintay magsalita.

Dumiretso ako sa CR at naghilamos dito. Ibinaba ko ang bag sa lababo at kinuha ang panyo ko para ipamunas sa aking mukha.

Patuloy ako sa pagpupunas nang biglang bumukas ang pinto. Ganun na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ang seryosong mukha niya.

"Anong ginagawa-"

"You are not allowed to be courted, aren't you?" He locked the door and leaned on it. Tumitig siya sa akin.

Kung kinabahan ako kanina ay mas lumala ngayon.

Madali kong isinukbit ang aking bag. Bubuksan ko na ang pinto ngunit hinawakan niya ang kamay kong humawak dito.

"P-Phoenix, bitawan mo ako!" Nilingon ko siya. Pinilit kong alisin ang kamay niya na nakapatong sa akin. Ngunit, hindi ako nagtagumpay. "Phoenix, ano ba-"

"You're gonna join the game. Both of you." Umiling-iling siya. "Yung lintik na kagatan ng mansanas na iyon, pati ng iba pang parlor games." Mas lumalim ang titig niya sa akin. "Millicent, 'wag kang sumali."

Hindi ako nagsalita. Kinagat ko ang ibabang labi at nakipagtitigan sa kanya. Agad akong nagbawi dahil hindi ko kinaya.

"Pumunta si Nigel sa amin, Phoenix. Nagsabi siya sa mga magulang ko na liligawan niya ako." Kahit hindi ko ito dapat sabihin ay sa tingin ko kailangan niya itong malaman.

I wanted him to stop. Hindi ako tanga para magpaloko sa isang tulad niya. He's just challenged. He was saying things like he likes me, he wants me but those were just part of his ways to get me. Bakit? Sawa na siya sa mga babaeng mayayaman? Sawa na siya sa mga babaeng alam niyang isang ngiti, kindat o sulyap niya lang ay makukuha na niya? Kaya ang isang katulad ko ang pinapatos niya ngayon. Sa eskwelahang ito ay ako lang ang babaeng hindi nagpapakita ng interes sa kanya. And that was probably the reason.

"Sinabi ng tatay ko na hindi pa pwede." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Ganoon din ang nanay ko. Pero sabi niya ay maghihintay siya kahit gaano katagal-"

Naputol ako sa pagsasalita dahil sa bigla niyang pagbitaw sa aking kamay. Mapakla siyang ngumiti at muling sumandal sa pinto.

"The rumor's spreading." Tumingin siya sa kisame at umiling-iling. "He's courting you. Hindi man pumayag ang mga magulang mo alam kong magpapaligaw ka pa din sa kanya. Gusto mo siya diba? Baliw ka na sa lalaking iyon."

"Anong sinabi mo?" Sa mga binitawan niyang salita ay parang lumutang ang aking ulo. Mabilis ang pagdaloy ng inis sa akin. "Dela Vega, ulitin mo ang sinabi mo!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw.

Humalukipkip siya at ngumisi. Pinasadahan niya ng haplos ang kanyang buhok.

"You like him. You wanted him to court you as what he was doing now. What's with the flowers and chocolates huh? Those were nothing huh, Millicent? 'Wag mo nga akong lokohin-"

Sinampal ko siya. Mabilis ang pagtaas-baba ng aking dibdib. Nag-init din ang aking mga mata. Kinagat ko nang mariin ang aking labi para pigilin ang sarili sa pagluha.

SurrenderWhere stories live. Discover now