Chapter 42

79.2K 1.8K 103
                                    

Chapter 42

"Anong nangyari?" Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang kausap si Nymph sa kabilang linya.

Wala siyang tigil sa paghikbi kaya hindi ko masyadong maintindihan ang kanyang sinasabi.

"A-ate... nandito kami sa hospital. Sinugod namin ang nanay..."

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo sa narinig. Nanginig ang mga kamay ko at bago pa ako mapaupo dulot ng panghihina ay dinaluhan na ako ni Oria.

"Hey... anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?"

Ibinaba ni Nymph ang tawag.

"Millicent..."

"D-dinala ang nanay sa hospital. Hindi ko alam kung bakit." Humagulgol ako sa kanyang balikat.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin sina Marian sa kani-kanilang massage rooms. Nagtanong sila kung ano ang nangyari at nang sabihin ni Oria ang dahilan ay nagmadali silang maghanda papunta sa hospital na itinext sa akin ni Nymph. Mabuti na lang talaga at naisipan kong bilhan ng cellphone ang kapatid kong iyon. Malaki ang tulong na naiaambag niyon sa amin dahil kailangan ko ng update tungkol sa mga nangyayari sa nanay. Nitong mga nakaraang buwan ay napapansin kong may itinatago siya sa akin ngunit sa tuwing tinatanong ko siya ay sinasabi niyang wala. Ang siste ay tumatahimik na lamang ako dahil madalas niya lang akong tawanan at sabihan na ako ang pinaka makulit niyang anak.

Pagkarating namin sa hospital ay agad kong nilapitan ang mga kapatid ko. Tinanong ko kung nasaan ang nanay ngunit ang sabi ni Nymph ay hindi niya alam. Basta raw ang sabi ng doctor ay maghintay lamang kami.

"Nasa ER ang nanay, Millie." Hinaplos ni Oria ang aking likod.

Hinarap ko siya at pilit na pinapatigil ang luha ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako magtagumpay. Hindi ko na rin napigilan ang paghikbi at siya naman ay patuloy sa pagtahan sa akin.

"Hey... magiging maayos din ang lagay niya." Mahinang usal ni Marian.

Silang dalawa ni Asia ay lumapit sa mga kapatid ko. Si Asia kay Nymph at si Marian kay Neo.

"Natakot ako kanina ate Asia... hindi ko alam ang gagawin ko. Sumisigaw siya at namimilipit sa sakit. Tinatanong ko siya kung anong masakit pero hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." Humihikbing kwento ni Nymph.

Mariin akong napapikit.

"Mabuti na lang lumabas si Neo para humingi ng tulong sa mga kapitbahay at madala siya rito."

Panay ang kwento ni Nymph hanggang sa lumabas ang doctor mula sa emergency room at lumapit sa amin.

"Hija... narito na ba ang ate mo?" Tanong ng doctor kay Nymph.

Tinuro ako ni Nymph pagkatapos ay muling yumakap kay Asia. Hindi siya tumitigil sa pag-iyak at mas lalo akong nahahabag dahil doon. Si Neo naman ay nakatulog na sa kandungan ni Marian.

"Hija... nadala mo na rito ang nanay mo hindi ba? May record na siya rito. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit natigil ang pagpunta ninyo rito sa hospital. Ngayon ay mas lumala ang kanyang sakit."

"Doc... nagbibiro lang ho kayo diba?"

Ang simpatya ay hindi maipagkakaila sa mukha ng doctor. Umiling ito at hinawakan ako sa balikat.

"You know that cancer is unpredictable kind of disease..."

Wala na akong naintindihan sa pinagsasabi niya. Ngunit may isang bagay na tumatak sa isip ko at iyon ay nang sabihin niyang hindi na magtatagal ang nanay.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak dahil sa nangyari. Pumasok kami sa kwarto kung nasaan siya at doon ay mas lalong bumuhos ang aking emosyon.

SurrenderWhere stories live. Discover now