Chapter 38

71.2K 1.8K 74
                                    

Chapter 38

Nilingon ko sila pagkaraan ng ilang minuto. "N-nagbibiro ka ba Oria?" Nilagpasan ko sila at kahit nahihilo ay kinailangan kong lumabas doon. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa tanong niya.

"Magpacheck up ka na. This is serious Millie! Kung tatrangkasuhin ka lang eh bakit sinabi mong ilang beses ka nang nagkakaganyan?" Sinabayan ako ni Asia paglalakad.

Muli akong umupo sa sofa at humilig dito. Lumubog ang magkabilang gilid tanda na umupo sila sa aking tabi. Bawat segundong dumadaan ay mas lalo lang lumalala ang sakit ng aking ulo.

"Millicent-"

"O-oria, hindi ako buntis. Hindi p-pwede." Nabasag ang aking boses. Ihinilamos ko ang mga kamay sa aking mukha at tumingala. "You're just maybe mistaking it. Hindi ako pwedeng mabuntis dahil w-wala na kami."

"Ano?!" Halos sabay-sabay nilang sabi. Halatang gulat sila sa ipinagtapat ko.

"Pakiulit mo nga Millicent..."

Tinignan ko sa Oria na nasa aking kaliwa. "Wala na kami. Tinapos ko na ang lahat. Para saan pa ang relasyong hindi lang isa ang humadhadlang?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Asia na nasa aking kanan.

Ngumiti ako at tuluyan nang bumagsak ang aking luha. Napapagod na akong magkwento. Napapagod na akong ipaalala sa sarili kung gaano ako nahirapang pagdesisyunan ang isang bagay na labis na nagpapasakit sa puso ko. Ayoko man na ikwento sa kanila pero tinatagan ko pa rin ang loob dahil hindi habang buhay ay makakaya ko itong itago. Lalo na't sila ang halos kasama ko sa araw-araw.

Sa mga nakalipas na araw ay hindi ako bumigay sa harap ng mga taong nakapalibot sa akin. Hindi ko gusto na ipakita sa kanila kung gaano ako kahina. The pain was too strong than my established fake toughness. Ilang araw lang pala ang itatagal nito. Ilang linggo lang ay bibigay din pala ako.

"What would happen now? Paano kung buntis ka nga?" Hinawakan ni Asia ang aking kamay. "Hindi mo 'to kakayaning mag-isa."

Natahimik ako. Hindi ako bobo para hindi matimbang ang laki ng posibilidad na maaaring tama sila.

"G-girls..." Muli akong pumikit. "Please lang... wag niyong contact-in si Phoenix. Wag niyo 'tong ipaalam sa kanya. Isa pa, hindi pa tayo sigurado."

Hindi sila umimik. Hindi na rin ako nagsalita pa. Kailangan na naming magsimula sa trabaho kaya doon ko na lang itinuon ang buo kong atensyon.

Dumating ang lunch time at lahat sila ay hinihintay na ako para mananghalian. Umuna si Oria palabas at sumunod ako. Nasa likod namin sina Asia at Marian.

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Oria at nilingon ako. Seryoso ang kanyang mukha.

"Kahit saan." Walang gana kong sagot.

Pumasok kami sa isang resto na hindi ganoong kamahalan ang mga pagkain. Nang lumapit sa amin ang waiter ay agad kaming nag-order. Hindi na ako nagbukas pa ng pag-uusapan dahil kinakabahan ako sa mga tinging ipinupukol nila sa akin.

"Ay... yung milkshake pala. Large na." Pahabol ko sa waiter nang paalis na ito.

"Okay ma'am."

Nilingon ko sila.

Bumuntong-hininga si Oria at uminom ng tubig sa basong nasa harapan niya. "Grocery tayo mamaya. May naglilihi sa gatas."

"Oria..." Saway ko sa kanya. "W-we're not yet sure-"

"Hindi pa nga pero tanong ko lang, sa tuwing ginagawa ninyo iyon ay gumagamit ba kayo ng proteksyon? Were you taking pills?"

"H-hindi."

SurrenderWhere stories live. Discover now