Chapter 14

105K 2.5K 83
                                    

Chapter 14

"Kanina ka pa patingin-tingin sa cellphone mo. Miss mo na no?"

Inirapan ko si Oria nang lumitaw ang mga dimples niya. Kapag ngumingisi siya ay hindi talaga mapigil ang pagpapakita ng mga iyon. Tuloy ay lalo siyang gumaganda. Her dimples were her trademark.

"Itext mo na kasi. Pakipot pa ang lola mo!" Natatawa niyang sabi.

"Eto na nga oh!" Tumalikod ako at papadyak na lumayo.

Pumasok ako sa isa sa mga massage room ngunit hindi ang sinabi niya ang ginawa ko. Nagtipa ako sa aking cellphone at paulit-ulit na napalunok sa pagring ng kabilang linya.

Matagal iyon bago may sumagot.

"Binibini..."

Napapikit ako sa tindi ng reaksyon ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa boses niya. His voice was smoky and unusual. Hindi nagtagal ay napamulat ako agad at kusang kumunot ang noo.

"P-phoenix, lasing ka ba?"

"I'm on my way." Pambabalewala niya sa aking tanong.

Umupo ako sa massage bed. "Wag ka nang pumunta dito. Lasing ka-"

"I want to see you. Don't stop me, please."

Napakagat ako sa labi dahil sa lambing ng kanyang boses. Isang linggo ko ding namiss ang boses niya. I wasn't calling nor texting him. Sa tuwing gusto ko iyong gawin ay mabilis akong tinatablan ng hiya. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang tawagan siya kahit na nililigawan na niya ako. Kahit pa araw-araw din akong nakatatanggap ng bulaklak at tsokolate mula sa kanya.

"S-sige, ingat ka ha?"

"I will, coz I won't be able to see you if I get into an accident-"

"Phoenix!" I stopped him.

Mahinang halakhak ang narinig ko mula sa kanya. Hindi na ako nakapagsalita at ibinaba na lang tawag dahil sa inis. I couldn't understand myself for being so worried about him. Pagkatapos ay nagagawa pa niyang magbiro!

Ilang sandali ay may kumatok sa pinto. Agad ko itong binuksan at nanlaki ang mga mata nang makita ang makisig na lalaki sa aking harapan. His hair was a mess, and eyes that were so... lambent.

Hinigit niya ako at mahigpit na niyakap.

"Damn, I missed you so much." He whispered into my ear.

"Iuwi mo na 'yan Phoenix. Kanina pa yan di mapakali. Namimiss ka na talaga-"

"Asia!" Naitulak ko si Phoenix at dali-daling inayos ang sarili dahil sa hiya.

Hindi ko na pinag-aksayahang tignan ang itsura ni Phoenix at binalingan nang masama ang mga kaibigan kong nagpipigil ng tawa. Kinuha ko ang bag ko at umambang aalis ng building.

"Take care, Millie!" Kaway ni Marian.

Hindi ko sila pinansin at lumabas na. Patungo ako sa parking lot nang may pumulupot na bisig sa akin. Napatigil ako sa paglalakad at humigpit ang hawak sa aking shoulder bag.

"Too grumpy."

Tiningala ko siya. Ang mga mata niya ay titig na titig sa akin. His eyes slowly dropped on my lips. Bago pa niya ito maangkin ay mabilis na akong lumayo at pumasok sa kotse. Sumunod siya at marahas na inagaw ang aking bag. Mabigat ang kanyang paghinga at ako ay nagsimula nang mamawis ang kamay dahil sa intensidad na namamagitan sa amin kahit na hindi kami magsalita.

Hinawakan niya ang aking pulso. Para akong alipin na nagpatangay sa mga mata niyang puno ng pagnanasa. I was drowning with those beautiful eyes. Hinigit niya ako at iniupo sa kanyang kandungan.

SurrenderWhere stories live. Discover now