Chapter 18

100K 2.3K 107
                                    

Chapter 18

"So..." Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng CARESS. Kinuha niya ang aking kamay at pinisil ito.

Nilingon ko siya. Katulad nang madalas niyang ginagawa ay nakatitig na naman siya sa akin.

I cleared my throat. "Hindi kaya matunaw na ako? Kagabi pa kita nahuhuling titig na titig sa akin." My brow arched.

Imbes na sumagot ay hinalikan niya ang aking kamay. Kahit na madalas niya itong gawin ay hindi pa rin mawala-wala sa akin ang mapasinghap. His lips kissing my hand always made me feel how precious I was. Hindi man siya magsalita, hindi man niya ulit-ulitin ang mga salitang nais marinig ng mga babae sa kanilang boyfriend ay kuntento na ako sa mga simpleng pagkilos niya na tulad nito.

"How am I gonna stop staring at my binibini?" He reached for the strands of my hair that were blocking my left eye and put those behind my ear. "Staring at you makes me damn happy and contented. Kung pwede nga lang itali kita sa katawan ko, ginawa ko na."

Kinagat ko ang ibabang labi pero natalo pa din ako sa pagtakas ng ngiti dito. He cupped my face lovingly.

"Sana ganito na lang tayo lagi." Titig na titig siya sa aking mga mata. His, were like piercing right into my soul.

"Sana wala nang manggulo." Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at hinalikan ito. "Kasi kung ikaw, hindi mo kayang mawala ako sa paningin mo, ako, ayokong mabaling ang paningin mo sa ibang babae."

"You're starting to be possessive, binibini." Pinipigil niya ang pagngiti sa pamamagitan ng pagnguso. He's damned cute! "I love it."

Ngumuso ako. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya itong dampian ng halik. He laughed, a sexy, manly laugh making my eyes fixate on his cloying lips. Hinding-hindi yata ako magsasawang angkinin ang labi niya. Hinding-hindi ako magsasawang halikan at ipadama kung gaano ako makasarili pagdating sa kanya.

I extended my arm and clutched his tie. Mariin kong kinagat ang aking labi bago siya halikan.

"Hmm," he moaned as I moved mine against his. I wanted him to can't get enough of my lips, can't get enough of me.

I nipped the fullness of the lower part, making him acquiescent. He opened his mouth slowly and groaned.

Lumayo ako kahit na mabilis ang pagsakop ng panghihinayang sa akin. Nagmulat ako ng mga mata at ang pamumula ng kanyang labi ang bumungad sa akin. Dinala niya ang kamay sa labi ko at pinunasan ito. Namilog ang aking mga mata nang idikit niya sa sariling labi ang hinlalaking ginamit. Lumunok ako nang ipasok niya ito sa kanyang bibig. He sucked it.

Nag-iwas ako ng tingin at muling napalunok. Naramdaman ko ang pag-landing ng kamay niya sa hita ko.

"Don't start games with me binibini." Mahina siyang humalakhak dahilan para iangat ko ang tingin sa kanya. Ngumisi siya. "Coz, I'm good at games. Sexy games."

Halos mapigil ko ang aking hininga nang magsimula itong humaplos. Hinayaan ko lang siya hanggang sa may maisip ako.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko pero nagawa kong dalhin ang aking kamay sa kanyang hita at ginaya ang kanyang ginagawa.

"I love playing games too, ginoo." Ngumisi ako. Gumapang pa ang aking kamay pataas at tumigil ito sa pinakamataas na bahagi. "Especially if it's you that I'll be playing with."

Pinigil ko ang sarili sa pagtawa nang bawiin niya ang kanyang kamay at mariin na napapikit.

Inilapit ko ang labi sa kanyang tainga. I heard him gasp as I breathed alongside his ear. "See you later." Marahan kong kinagat ang pinakasensitibong parte ng kanyang tenga.

Surrenderحيث تعيش القصص. اكتشف الآن