Chapter 32

72.8K 1.7K 72
                                    

Chapter 32

"Tita what did you say?" Tanong ni Jemimah.

Nilingon ako ng mommy ni Phoenix. Iginala ko ang paningin at sa inaasta nila ay mukhang ako lamang ang nakarinig niyon at siya na mismong katabi ko. Si Jemimah ay tila narinig lamang na nagsalita ang kanyang tita.

Napapagitnaan namin ni Averie ang ina ni Phoenix. Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kanila dahil alam ko sa sarili na wala akong karapatan para tawagin sila katulad ng tita.

"Av, we already talked about this..." Ganting bulong ng mommy ni Phoenix sa kanyang katabi.

Nang lingunin niya ako ay nagkunwari akong kumakain. Pero sa kabila niyon ay ang panginginig ng aking mga kamay. Bago pa niya ito mapansin ay itinago ko na ito.

"Anyway, hija did you finish college?"

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. It was Mr. Lurk Dela Vega. Nginitian niya ako ngunit hindi pa rin nito napagaan ang aking pakiramdam. Even the verity that he was a man with an akin personality to Phoenix didn't give me the feeling of comfort. Kuhang-kuha ni Phoenix ang paggalaw ng kanyang ama.

"Hindi po-"

"Goodness, I was looking for you!"

Napatingin ako sa nagsalita. Sumiksik siya sa pagitan ng malaking table at ng aming kinauupuan. Tumabi siya sa pagitan namin ng kanyang mommy. Hinalikan niya ang noo ko bago lingunin ang pagkain sa aking harapan. Kinagat ko ang labi para pigilin ang aking emosyon. Ayokong sumabog dito habang nasa harap ako ng mga magulang niya at ng mga tito at tita.

"Phoenix... saan ka nanggaling?" Pinilit kong pasiglahin ang aking boses. Ayokong may mahalata siya.

"I just talked to someone." Muli niya akong tinignan. "I'm hungry-"

"Sige kumain ka muna dito. May sasaglitin lang ako sa kwarto." Paalam ko sa kanya. Nilingon ko sila at nagpilit ng isang ngiti. "Thank you po sa pagkain. Excuse me po."

Hindi ko na sila hinintay na makapagsalita at nagmamadaling tinahak ang buhanginan. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng mga Dela Vega na naliligo pero hindi ko na sila pinag-aksayahang tingnan. I wanted to be alone. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga doon.

Anong kinalaman ng tatay ko sa pamilya nila Phoenix? They didn't mention my father's name but the way his mother looked at me ay para ngang ito ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay pinipilit lang nito ang pakikisama sa akin.

Nang makasakay sa lift ay napansin ko ang isang pamilyar na pigura na nakatayo sa gilid. Ramdam ko ang kanyang titig ngunit nang lingunin ko siya ay agad siyang naglihis ng tingin.

"Monica..." Halos hindi iyon lumabas sa aking bibig. Hindi ko nga sigurado kung narinig niya ako.

She was wearing a blue crackle pants and sexy sleeveless top that revealed her midriff. Ang mukha niya ay diretso lamang ang tingin sa buttons nitong lift. Mas lalong lumala ang nararamdaman kong sakit sa dibdib dahil sa kilos niya. She was acting as if she didn't know me. Gusto ko siyang lapitan ngunit nanghihina ang aking loob.

"Will... you be attending the party for Penelope?"

Napaawang ang aking bibig sa narinig. Nilingon niya ako. Nagtubig ang aking mga mata. Muli niyang iniwas ang tingin at nagulat ako nang makita ang paglandas ng luha sa kanyang pisngi.

"Are you... are you talking to me?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Sino pa ba? Tayong dalawa lang ang nandito..." Tuluyan na siyang humarap sa akin. Nanginginig ang kanyang mga labi.

SurrenderWhere stories live. Discover now