Chapter 4

148K 2.7K 152
                                    

Chapter 4

Patuloy ako sa pagtungga ng baso. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako pinipiit ni Phoenix.

Nang nakalima na ako ay tumayo ako at pinindot ang numero ng gusto kong kanta. Kanina ko pa ito nahanap sa song book at pinag-iisipan kung kakantahin ko ba o hindi. Pero dahil gusto kong ilabas ang lahat ng sakit kahit panandalian lang ay hahayaan ko ang sarili ko. Hahayaan kong magmukhang tanga habang nakikita ni Phoenix.

Habang naglalakad ako pabalik sa sofa ay ramdam ko ang nanunusok niyang titig sa akin. Bumaling ako sa kanya at seryoso lang ang kanyang mukha. Nagkibit-balikat ako at dinampot ang mic na nasa glass table.

Tumugtog ang videoke. Nagtaasan ang balahibo ko. Pumikit ako hanggang sa narinig ko ang sarili na sinasabayan na ang malungkot na tugtog.

"Tell me her name I want to know... The way she looks and where you go... I need to see her face, I need to understand... Why you and I came to an end..."

Tumulo ang aking luha. Malungkot akong napangiti nang lumarawan ang mukha ni Nigel sa isip ko.

"Tell me again I want to hear... Who broke my faith in all these years...Who lays with you at night when I'm here all alone... Remembering when I was your own."

Hindi ko akalaing mangyayari sa amin ang ganito. Hindi ko akalaing sa isang iglap lang matatapos ang lahat ng mayroon kami ng lalaking mahal ko. Was it really my fault? Dahil ba hindi ko naibigay ang sarili ko sa kanya kaya siya naghanap ng iba?

"I'll let you go, I'll let you fly... Why do I keep on asking why? I'll let you go now that I found... A way to keep somehow... More than a broken vow"

May yumakap sa akin mula sa likod. Hindi ko na napigil ang kumawalang hikbi sa aking bibig.

Ang init ng yakap ni Phoenix. At nagpapasalamat ako dahil nandito siya. Kung wala siya ay baka hindi ko na kinaya. Nagtataka nga ako kung bakit siya pa eh. Kung tutuusin walang alam ang isang Phoenix Dela Vega kundi ang asarin ako nung highschool pa lang kami. Hindi ko akalaing siya pa ang magiging karamay ko ngayon sa lahat ng sakit na kulang nalang ay patayin ako.

"Tell me the words I never said... Show me the tears you never shed... Give me the touch that one you promised to be mine... Or has it vanished for all time"

"Binibini..." Bulong niya sa tenga ko.

Patuloy ang pagbagsak ng mga luha sa aking pisngi. Nanginginig ang mga balikat ko. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

"Binibini, nandito ako. Nandito ako para sa'yo."

"I'll let you go, I'll let you fly... Why do I keep on asking why? I'll let you go now that I found... A way to keep somehow... More than a broken vow."

Hindi ko na makilala ang sariling boses. Wala na din akong pakialam kung pumipiyok na ako. I want to shout out this pain!

"I close my eyes... And dream of you and I and then I realize...There's more to love than only bitterness and lies... I close my eyes..."

Napasinghap ako nang mula sa likod ay inagaw ni Phoenix ang hawak kong mic. Kinilabutan ako nang marinig ang kanyang boses.

"I'd give away my soul to hold you once again... And never let this promise end..."

Ibinaba niya ang mic bago pa matapos ang kanta. Dahan-dahan niya akong hinarap sa kanya. Napahagulgol ako nang isubsob niya ako sa kanyang dibdib.

"Did he promise that he'll love you forever?" Hinaplos niya ang buhok ko.

Tumango ako at narinig ko ang mahina niyang mura. Hinalikan niya ang ulo ko.

"Wala kayong forever, Millicent. He didn't fulfill what he had promised. Pero ibahin mo ako." Dahan-dahan niya akong inilayo sa kanya. Tinitigan niya ang mga mata ko. Kumikinang ang mga mata niya kahit na nalalakipan ito ng lungkot at awa sa akin. "I can prove to you the word forever. I can prove to you that it exists. Just be mine, binibini."

SurrenderWhere stories live. Discover now