Chapter 43

79.8K 1.9K 99
                                    

Chapter 43

"How is she?"

"She's fine." Malamig na sabi ni Monica.

Marahan kong iminulat ang mga mata ngunit parang gusto ko na lamang pumikit nang muli kong maramdaman ang matinding pagsakal sa aking dibdib. Huli na para mapigil ko ang pagkawala ng hikbi sa aking bibig.

"Millicent!" Gulat na sambit ni Monica.

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang kanyang pagtakbo. Umupo siya sa kamang hinihigaan ko.

"Hey..." Puno ng lungkot ang kanyang boses.

"A-ang nanay..." Hindi ko maituluy-tuloy ang sasabihin. Tila hindi ako makahinga kapag naaalala ko ang nangyari.

Sana panaginip lang lahat. Sana buhay pa siya. Sana hindi niya kami iniwan. Napakaraming sana ang gusto kong magkatotoo pero napaka-imposible ng mga iyon. Napaka-imposible dahil kitang-kita ko kung paano siya nawala, kung paano siya nalagutan ng hininga.

"Ang nanay ba..."

"Sina Oria ang nag-aasikaso sa kanya. Doon siya sa bahay ninyo ibinurol."

Kinagat ko nang mariin ang labi. Iginala ko ang paningin at nang muling magtama ang mga mata namin ni Monica ay lumuluha na siya.

"I-I'm sorry for your loss. Kahit hindi niya kami anak ay ramdam ko yung sakit. At... alam kong doble ang tama sayo." Niyakap niya ako. "Kaya mo pa di ba best friend? Nandito lang ako... nandito lang kami."

Humikbi ako bilang sagot. Matagal kami sa ganoong puwesto nang marinig namin ang isang pagtikhim. Kumalas si Monica sa yakap. Dahil tatlo lamang kami rito ay alam ko kung sino iyon.

"Millicent..."

"Pwede ba? Hindi ba't sinabi ko na kanina pa na umalis ka na-"

"I told you I wouldn't go. Gusto kong makita ang lagay niya. Hindi naman siguro masama kung dumalaw ako." Mahinahong pagtutol ni Daucus.

Naglakad siya palapit sa amin at hindi na iyon napigilan ni Monica. Napapikit ako nang kulungin niya ako sa yakap.

"I'm here for you, Millicent. I hope you won't mind."

Umiling ako. Hinaplos niya ang aking buhok at mas lalo akong naiyak sa kanyang ginawa. Ang tagal niyang hindi nagpakita at sa mga buwang iyon ay alam ko sa sarili kong wala na akong inis o kahit kaunting galit sa kanya.

"Daucus... wala na ang nanay ko." Nanginig ang katawan ko.

"I'm sorry..." Aniya.

Kumawala siya at si Monica ay pinanonood lamang kaming dalawa.

"Monica... gusto ko nang umuwi." Sabi ko.

"Hindi pa pwede. That's what the doctor said." Sagot niya.

Pinilit kong kalmahin ang sarili at nang sigurado na akong hindi ako pipiyok ay saka ko muling ibinuka ang bibig. "Gusto ko na siyang makita. Gusto ko nang makita ang nanay..."

"Okay... makikiusap ako." Bumuntong-hininga siya.

Tumingin ako kay Daucus at kitang-kita ko sa kanyang mukha ang simpatya. Umupo siya sa kama at tinitigan ako. Umiwas ako ng tingin at muling bumuhos ang luha nang maalala ang mga kapatid ko.

Nadama ko ang pag-aalala nilang dalawa kaya muling lumapit sa akin si Monica. Hinawakan niya ang kamay ko at ang takot sa aking dibdib ay lumago nang mapatingin ako sa aking tiyan.

Isa-isa lang Millicent. Isa-isang tanong lang.

"S-sila Nymph at Neo?"

"Nasa bahay na rin." Sagot ni Monica. "You don't need to worry about your siblings... hindi sila iniiwan nila Geneva."

SurrenderWhere stories live. Discover now