Chapter 44

84K 2.1K 89
                                    

Chapter 44

"How's school, hija?"

Ibinaba ko ang aking mga gamit sa glass table bago tumungo at hinagkan sa pisngi ang aking lolo. Umupo ako sa tabi niya at hinubad ang aking sapatos.

"Okay naman po. How are you feeling?"

Halos isa't kalahating taon na ang nakalipas nang ilibing ang nanay at ganun na rin kami katagal ng mga kapatid ko na naninirahan dito sa bahay ng aming lolo. Ito kasi ang nais niyang mangyari dahil gusto niya raw kaming mabantayan.

It was never easy to move on. Ang hirap humakbang pero pinilit naming kayaning magkakapatid. Si Nymph ay nasa kolehiyo na katulad ko samantalang si Neo ay grade four na ngayon sa isang pribadong paaralan. Pinag-aral niya ako kahit na noong una ay labag sa aking kalooban. I just wanted to be a full time mom to my baby but it turned out like this.

Sabi ko nga ay matanda na ako para mag-aral ngunit mapilit siya. May mga bagay daw siyang ipamamahala sa akin.

"Fine... I was just a little bit drowsy. Nag golf kami ng mga amigo ko. It's quite exhausting dahil nag-aya pa ang mga 'yon kung saan-saan."

Tumango ako. "Uminom ho ba kayo ng mga vitamins niyo? Magpahinga na ho muna kaya kayo."

"Of course, hija." Nilingon niya ako. "I need to wait for your siblings. I'll give something to them."

Kumunot ang noo ko at umayos ng pagkakaupo. Umiling naman siya at at hinalikan ang aking noo.

Tumayo siya. "Ang apo ko... wag mo akong tignan nang ganyan. How many times do I need to say that all of those stuffs are nothing? Deserve niyong matikman ang buhay na ipinagkait ko sa mga magulang ninyo noon."

Ngumuso ako at siya naman ay matamis na ngumiti. Hindi talaga maipagkakaila kung kanino namana ng tatay ang kagwapuhan niya.

Kung dati ay naka-wheel chair pa siya ngunit ngayon ay hindi na. Noong araw pa lang iyon na dumating siya sa aming bahay ay naaksidente siya na kinailangan niyang gumamit ng wheel chair. Ang laki ng pasasalamat ko sa mga kaibigan ko lalo na kay Oria dahil sa walang sawang pagbibigay niya ng serbisyo sa lolo. Nagpamassage therapy siya dito hanggang sa tuluyan na siyang makalakad.

Tumayo ako at niyakap ang kanyang baywang. Nagsimula kaming maglakad hanggang sa makarinig kami ng pag-iyak mula sa taas.

"Hala... pagtitimpla ko pa naman sana kayo ng gatas. Pero mukhang nagwawala na si-"

"May mga katulong para gumawa ng mga bagay na iyan. And besides hindi pa naman ubos ang fresh milk." Natatawang sabi niya. "Sige na, akyatin mo na ang mahal na prinsipe."

Tumango ako at nagmamadaling umakyat sa aking kwarto. Nang makita ko ang batang karga-karga ng nursemaid na kinuha ng lolo ay lumambot ang aking puso.

Basang-basa ng luha ang kanyang pisngi.

"Iyak nang iyak ma'am."

"It's okay." Kinuha ko ang bata sa kanya at napangiti ako nang tumigil ito sa pag-iyak. "What's your problem, baby? You're hungry na?"

"Kung may kailangan po kayo nandun lang ako sa kitchen."

"Sige, maghapunan ka na muna Kaitlyn."

Tumango si Kaitlyn at lumabas ng kwarto. Nilock ko ang pinto at inihiga siya sa aking kama. Tinitigan ko siya at pilit niyang inaabot ang aking mukha. He's now 1 year and 4 months old.

"My... my..." Bigkas niya.

Napangiti ako. "Nanay baby. Nanay." Nilaro ko ang kanyang mga kamay at pinupog siya ng halik sa mukha.

SurrenderWhere stories live. Discover now