Chapter 31

83K 1.8K 72
                                    

Chapter 31

"Family and friends I want you to meet, Penelope Ferreira." Walang emosyon na sabi ni Sebastian.

Pinisil ni Phoenix ang aking kamay. Sumagap ako ng hangin at nilingon si Penelope na nasa tabi ni Sebastian. Pilit siyang ngumiti. Tumutok ang atensyon ko sa kanyang mga mata na batid ko ang pagtutubig.

Tumikhim si Penelope. "H-hello po..." Pumiyok niyang sabi.

Nasa kanya ang atensyon ng lahat. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin ng inaasta niya. Hindi na siya nagsalitang muli at tumayo. Tumakbo siya palabas nitong restaurant. Napatayo ako maging ang ibang Dela Vega.

"Penelope! Where do you think you're going?" Mariin na sigaw ni Sebastian.

Lumingon si Penelope at tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Sa kabila niyon ay nginitian pa rin niya si Sebastian.

"Napakilala mo na ako." Sinulyapan niya ang mga magulang na Dela Vega. "I'm sorry po. I need to rest. Nice meeting you all."

Hindi na niya hinintay pang may magsalita. Lumabas na siya. Nakaigting ang pangang sinundan siya ni Sebastian.

Tahimik lang kaming lahat hanggang sa tumayo si Tamiya.

"I don't have the appetite to eat." Nilingon niya ang mga magulang at humalik sa mga ito.

"At saan ka rin pupunta Tamiya? Kumain ka muna." Utos ng kanyang ama.

"Sa hotel na lang ako kakain daddy. Good night!" Tumalikod siya at dumiretso palabas.

Nagsitayuan na din ang mga magpipinsan.

"Let's get out of here. Ayokong makita mong sumabog si Tito Jericho. Tonight's not the right time to introduce you to them. Kapag naayos na ito ni Sebastian ay saka kita ipakikila sa kanila."

Tumango ako. Naiintindihan ko naman. Sa totoo lang ay hindi pa rin ako handa na makilala nila.

"Dad, mom. Labas muna kami."

Lumingon sa amin ang mga magulang niya. His dad's domineering form put me in discomfort.

"You're not yet introducing the lady to us, Phoenix. Would you mind if I suggest you to stay for a while?"

Ang mga kapatid at pinsan niya ay napatigil sa paghakbang.

Umiling si Phoenix. " I wouldn't mind, dad." Nilingon niya ang mga pinsan. "Sige na Hiro, mauna na kayo. Susunod kami." Aniya.

Hindi kami ang ikakasal ngunit bakit pakiramdam ko ay mas malala pa ang nararamdaman kong kaba kaysa kay Penelope kanina? Pasimple kong nakagat ang ibabang labi.

"Tell us your name, Miss." Seryosong sabi pa rin ng kanyang ama.

"I-I'm-"

"She's Millicent Harienda Cortejos." Hinaplos niya ang aking kamay at matamis akong nginitian. "My girlfriend."

Tumango-tango ang kanyang ama. Nagkatinginan ang mommy ni Phoenix at ang babae sa kanyang kaliwa. Si Mrs. Averie Dela Vega, asawa ni Kirko Dela Vega na bunso sa magkakapatid at ina nila Clint at Maxine.

"Natalia... you're right."

Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ng tita ni Phoenix. Inilapit niya ang labi sa tenga ng mommy ni Phoenix. Nang matapos siya sa pagbulong ay tinignan niya ako.

"You're beautiful Millicent. Ngunit hija-"

"Averie!" Pigil sa kanya ng mommy ni Phoenix. "Please, don't."

Nilingon ko si Phoenix. Kung bakit bigla akong kinabahan. Nag-igting ang kanyang panga habang nakatingin sa tita niya.

"Tapos na po ba kayong magbulungan, tita... mommy?" Mahinahon niyang sabi ngunit ramdam ko ang talim sa bawat pagbigkas niya dito. Tumayo siya at hinawakan ang aking kamay. "Inuulit ko. She's my girlfriend. She's all that I wished, wish and will be wishing to have. Mahal na mahal ko ang babaeng ito at ayaw na ayaw ko ang pagbubulungan tungkol sa kanya."

SurrenderWhere stories live. Discover now