Chapter 47

97.3K 2.5K 178
                                    

Chapter 47

Ilang minuto na ang nakaraan ngunit hindi ko pa rin siya naitutulak palayo. Nanatili akong nakakulong sa kanya. Nakadikit ang kanyang noo sa akin. Hinihintay niya ang aking sagot.

"Please..."

"I... can't." Nanginginig ang boses kong sabi.

Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ng braso niya sa akin. Tumingala ako at pinunasan ang mga luhang tila tubig na nanggagaling sa isang masaganang talon.

Umatras siya at nag-iwas ng tingin. "What do you want me to do? I want you back."

"We can't-"

"We can!" Tumalikod siya at marahas na pinasadahan ng kamay ang buhok. "Millicent... sabihin mo lang kung ano ang dapat kong gawin makuha ka lang ulit. Sabihin mo lang... kasi lahat naman kaya kong gawin para sa'yo. Just don't... don't say we can't be together again."

Umiling ako at tumalikod. Akmang bubuksan ko ang pinto nang muli niyang hawakan ang aking kamay. Nilingon ko siya, nakaharap na ulit siya sa akin. Hinigit niya ako papunta sa bedroom.

"Phoenix... tama na! I already sacrificed everything for the both of us!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses. Pinilit kong kumawala pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay.

"You sacrificed everything?" Malungkot ang kanyang boses. "No! You did not sacrifice for the both of us! You sacrificed for my family! For your family! Why the hell did you say that that was for us?"

"Para sa ating dalawa iyon! Para hindi ka na masaktan! Ayokong magalit sayo ang pamilya mo-"

"Ayaw mong magalit sayo ang pamilya mo!" Hinawakan niya ang isa ko pang kamay at hinigit ako palapit sa kanyang katawan. "Kaya ko namang saluhin ang galit ng nanay laban sa pamilya ko. Kaya ko ring ipaglaban ka kahit na ikaw... sumuko na agad."

Ramdam ko ang sakit sa mga binitawan niyang salita.

"You easily gave up. While me... I was still hoping that you could still change your mind that time you'd pushed me away." Binitawan niya ang mga kamay ko at pabagsak siyang umupo sa kama. "Ano bang ginawa ko para pakawalan mo ako nang ganun-ganun na lang? Kaya naman nating labanan silang lahat diba? Kasi mahal natin ang isa't-isa."

"Hindi. Ayokong maging makasarili pagdating sayo."

Inangat niya ang tingin sa akin. Lumunok ako. Ang sakit ay rumehistro sa kanyang mga mata.

"You couldn't be selfish when it comes to me?"

Tumalikod ako at tumingala. Kinagat ko nang mariin ang labi.

"It's bad to be selfish. Many would get hurt." Sagot ko.

"Truly, I loved you more than you loved me. 'Coz I'm always selfish when it comes to you. I'm naturally selfish for the woman I love!"

Hindi ako nakapagsalita.

"I want you to be selfish for me. I want you to think of me, only me. I want you to love me as much as I love y-you." Gumaralgal ang kanyang boses. "Pero... kahit naman gustuhin kong mangyari iyon wala naman akong magagawa. Kasi iyan ka. You have the heart that other women do not have. You have the generosity that they not possess. You're an extraordinary woman that I keep on falling in love with... every single day."

"I was selfish too-"

"You were not, Millicent."

Nilingon ko siya at seryosong-seryoso ang kanyang mukha.

"Naging makasarili rin ako pero hindi ko lang itinodo dahil kinailangan kong isipin na hindi lang sa akin iikot ang mundo mo! Hindi pwedeng ako lang ang mahal mo. May pamilya ka..."

SurrenderWhere stories live. Discover now