Chapter 20

103K 1.8K 58
                                    

Chapter 20

"'Wag mong sabihing hindi ka pwede mamaya?"

Pababa ako ng hagdan nang matanggap ko ang tawag ni Oria. Ngayon ang birthday ni Asia. Noong isang araw pa nila pinag-uusapan kung ano ang gagawin namin sa araw na ito.

"Hindi ko nakakalimutan." Awtomatikong umikot ang aking mga mata. "Saan ba talaga ang punta natin?"

"I wanna go to one of the most posh bars here, Millie."

Kahit hindi ko siya nakikita ay batid ko ang umaasa niyang mukha. I didn't know why she's inclined of going to such places. Sa aming apat ay siya ang pinakamadalas lumabas.

Dumiretso ako sa kusina para hanapin si Phoenix pero wala siya dito.

"Okay. Saan tayo magkikita-kita?"

"Yes!" masayang sigaw niya.

Umiling-iling ako. "Parang ikaw lang may birthday ah."

"Gusto ko namang maiba ang buhay niyo. Hindi yung lagi na lang kayong puro bahay at trabaho. Sometimes you need to veg out. Going to a bar is one of the best ways to relax."

"Oo na-"

Naputol ang aking pagsasalita nang maramdaman ko ang kanyang yakap mula sa aking likod. Hindi ko na kailangang lumingon pa para malaman kung sino ito.

"Millie?"

Tumikhim ako. "Saang bar?"

"Bar?" Inalis niya ang pagkakayakap sa akin. "What's with a bar?"

Hindi ko muna siya nilingon. Nawala na din ang konsentrasyon ko pakikipag-usap kay Oria.

"Basta. Kita na lang tayo sa plaza. 7 pm, okay?"

"Sige." Sagot ko. "Hintayan na lang tayo dun."

Wala akong magawa kundi ang sumama. Hindi ko sila pwedeng tanggihan dahil kaibigan ko sila. Tiyak na magtatampo din si Asia kapag hindi niya ako nakita.

"See you, Millie. Hi mo ko kay Phoenix." Tumawa siya bago ibaba ang tawag.

I spun myself to see his face drawn with seriousness. Iniwas niya ang tingin sa akin at naglakad papunta sa may fridge. Binuksan niya ito at dinampot ang nasa unahang kahon ng gatas. Kumuha din siya ng dalawang baso sa cupboard at binalikan ako.

"What did I hear? Bar?" Sinalinan niya ang mga baso. Ibinigay niya ang isa sa akin. "Don't tell me you're going out?"

Kinagat ko ang ibabang labi nang maalala na ayaw niya nga pala na pumupunta ako sa ganoong lugar. My first time going to a bar was no good.

Sumagap ako ng hangin at ipinikit ang mga mata. Binitawan ko ang basong may lamang gatas at nilapitan siya. I clung my arms on his nape and stared at his face.

"Birthday ni Asia ngayon. Oria wants us to celebrate it." Lumunok ako. "Sa bar."

"You know I told you I didn't want you to go-"

"Sige na. Pumayag ka na please?" Nginitian ko siya. "Walang mangyayaring masama sa akin. Isa pa mga kaibigan ko naman ang kasama ko."

"All girls. So, no... Millicent."

Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay ko at tinalikuran ako. Nakita ko ang pagpasok ng dalawang katulong.

"Where's the cook?"

"Here, Sir." Saktong pagpasok din ng isang lalaki.

Lumabas si Phoenix at sumunod ako. Bumuntong-hininga ako at tinext si Oria.

SurrenderWhere stories live. Discover now