Chapter 40

83.9K 1.8K 69
                                    

Chapter 40

"H-hindi na talaga pwede, Phoenix..." Inilayo ko ang mga kamay sa kanya pagkalipas ng ilang sandaling pagtatama ng aming mga mata.

Umalis siya sa aking kandungan at tumingin sa kawalan. Pinunasan niya ang mga luha at malungkot na ngumiti.

"I'm sorry..."

Matagal kaming napagitnaan ng katahimikan.

Nilingon niya ako. "Nag-usap kayo ni Daucus diba? Sa Fireside... sinabi niya ba sa'yo?"

Lumunok ako, hindi makasagot sa bigla niyang itinanong.

"Answer me!" Sinabunutan niya ang sarili. Nanginginig ang kanyang mga labi at ang mga mata ay pulang-pula. "Siniraan niya ako sa'yo diba? Did he tell you that your father was our driver?"

Tumango ako at iniwas ang tingin.

"Ito na nga ba ang kinatatakot ko-"

"T-takot ka na malaman kong naghihiganti ka lang?" Nanginginig ang boses kong tanong.

"So that's what he told you..." Umigting ang kanyang panga. "Then you believed him."

Muli ay tila napipi ako.

"Mahal na mahal kita na halos ginawa ko ang lahat. Sinabi nila na dapat hindi ikaw. Na sasaktan ko lang ang mga magulang ko kapag pinagpatuloy ko ang pagmamahal ko sa'yo. I was mad at them for telling me that you are no good to me. Natatakot ang mga pinsan ko noon kapag napag-uusapan ng mga magulang namin ang tatay mo. It seemed that I didn't care." Mahina siyang nagmura. "But the hell, I cared a lot! But then that care is about you and tatay Miro!"

Napatingin ako sa kanyang mga kamay na tila handa nang manuntok.

"W-what are you saying..."

"Iyong lalaking 'yun Millicent? Iyong tatay mo? Siya ang nagpakita ng litrato mo sa akin. Palagi niyang kinukuwento kung gaano ka kabuting anak... kung gaano ka kagandang bata... kung gaano kaswerte ang lalaking mamahalin mo."

Napalunok ako. May dinukot siya sa kanyang bulsa at iyon ay ang kanyang wallet. Binuksan niya ito at ipinakita sa akin ang litrato ng isang babae. Mahaba ang buhok na lagpas bewang, naka-kulay puting dress at may hawak na kulay pulang rosas. It was a candid shot but the face was very distinctive. Hindi ako nakatingin ngunit nakakahawa ang ngiting nakapaskil sa aking labi habang inaamoy ang rosas.

"Ninakaw ko 'yan kay tatay Miro..." Mahina siyang tumawa pero ang mga mata ay nababalutan ng lungkot. "Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yun. Basta ang alam ko lang... gustung-gusto kong pagmasdan ang mukha mo. Angelic and innocent." Tinignan niya ako. "So... lovely."

Muli akong nag-iwas ng tingin.

"I was a jerk... kaya kabang-kaba noon si tatay Miro nang malaman niyang sa eskwelahan kung nasaan ka ako magtatransfer. Sakto pang doon din nag-aaral ang girlfriend ko." Ramdam ko ang nanunusok niyang titig sa akin. "I had this feeling that I wanted to see and meet you. And when that time came, the first time we met, I was really... astonished. Tangina... mas maganda pa pala sa personal." Mahina siyang tumawa ngunit sa kabila niyon ay ang hindi maipagkakailang lungkot ng kanyang boses. "I acted as if I didn't know you. I acted normal. But then as I'd continued to act that way, I realized that I was already falling in love with the invisible trap you have."

Tinignan ko siya. Nanginig ang kanyang mga labi.

"W-why are you telling this to me?" Tanong ko.

"'Coz I won't stop hoping even if I only have one percent chance to change your mind."

Kinagat ko ang labi at tumungo.

SurrenderWhere stories live. Discover now