Epilogue

212K 4.1K 444
                                    

Epilogue

"Phoenix, anong ginagawa mo? Ako na ang maglilinis ng sasakyan."

Lumingon ako at pinasadahan ng basang kamay ang aking buhok. His forehead crumpled as he walked toward me. Kinuha niya sa akin ang sponge.

"Ikaw talagang bata ka-"

"Hindi na po ako bata. Sixteen na po ako." Ngumisi ako at pinunasan ang mga bula sa aking katawan. Kumunot ang aking noo nang makarinig ng tilian. Hinanap ng mga mata ko kung saan iyon nanggaling.

Kumaway sa akin ang tatlong babaeng malapit sa gate. Dahil bukas ito ay malaya nilang nakikita ang mga nandito sa loob.

Mas lalong lumawak ang aking ngisi nang kawayan ako ni Willow. The girl had her short hair that revealed her fair and smooth neck. Dito rin sila nakatira sa La Dolce Vita Village.

She bit her lower lip as my stare became evident.

"Phoenix, pupunta ka ng gym?" Tanong ng pinsan niyang si Molly.

"Yep! Will you be there?"

Tumango si Sadie at Molly. Si Willow ay nag-iwas ng tingin sa akin. Lihim akong natuwa sa kanyang reaksyon.

"Oo. See you Phoenix!" Hinila nila si Willow.

Tumikhim si tatay Miro dahilan para lingunin ko siya. Pinagpatuloy niya ang paglilinis ng sasakyan.

"Ikaw talaga Phoenix. Kung bakit naman kasi nakahubad ka. Hindi tuloy nakapagsalita 'yong isa." Natatawa niyang sabi.

Ngumiti ako at tinulungan siya.

"Gusto mo ba si Willow?"

Muli ko siyang nilingon. "Hindi po. Nagagandahan lang." Ginamit ko ang hose para matanggal ang mga bula.

"Sabagay. Maganda nga si Willow. Pero mas maganda pa rin ang anak ko." He said proudly.

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang saya at pagmamahal sa anak.

I was aware that he had two daughters. He told me once that his first child was sixteen years old like me. Dahil sa sinabi niya ay mas lalong tumaas ang kuryosidad ko tungkol sa kanyang mga anak.

"Talaga tay? Baka naman sinasabi niyo lang 'yan dahil anak niyo siya." Biro ko. "Parents are always like that. They are too pleased with their children's appearance."

"Hindi ah. Nagsasabi ako ng totoo. Gusto mo siyang makita?"

Tumango ako at dinampot ang aking damit sa upuan kung saan ko ito ipinatong kanina. Pinunasan ni tatay Miro ang kanyang mga kamay at kinuha sa bulsa ng maong na shorts ang kanyang wallet. Umupo kami sa dalawang upuang ipinalabas ko kanina.

Sanay ako na pagkatapos maglinis ni tatay Miro ng sasakyan ay nagkukwentuhan kami. We're close like father and son. Mas nakakausap ko pa siya kesa kay dad. He's too busy with our business.

"Eto..." Inilahad niya sa akin ang isang litrato.

Kinuha ko ito at nang makita ang mukha ng babae ay hindi ko napigil ang sarili sa paglunok.

Shit...

The girl had her long black shiny hair that almost reached her ass. Ilang inches na lang ay papantay na iyon doon. White dress suited her slim waist and exposed her tan skin. I never thought that there would be a girl with eyes that were very expressive. Hindi singkit at hindi malaki. Sapat lang na mas nakapagpaganda sa kanya. She had small but pointed nose and lips that curved beautifully.

"Anong masasabi mo?"

I was snapped out from my reverie.

Muli akong lumunok ako, hindi pa rin inaalis ang tingin sa mukha ng kanyang anak.

SurrenderDonde viven las historias. Descúbrelo ahora