Chapter 36

79.6K 1.7K 71
                                    

Chapter 36

Panaka-naka ang pagsulyap ko sa kanya habang siya ay nagmamaneho. Kaaalis pa lamang namin sa airport at ilang minuto pa lang din ang nagdaan nang magpaalam kami sa mga Dela Vega.

Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Wag ka nang pumasok ngayon sa trabaho. Magpahinga ka na lang muna."

Sa totoo lang ay kagabi ko pa iyon naiisip. I would make this day his. Baka kasi ngayon na lang ito. Bukas ay busy na ulit siya sa trabaho.

"Hindi ka papasok ngayon diba? Sa bahay niyo na lang tayo dumiretso." Binawi ko ang tingin. Ramdam ko ang muli niyang pagbaling sa akin.

"Are you serious?" Rinig ko ang excitement sa kanyang boses.

"Uh-huh." Titiisin ko ang antok at hilo makapiling lang siya. "Patext na lang ako mamaya kay Oria. Pasensya ka na ha. Wala akong pambili ng cellphone kaya kailangan ko pang makitext sayo."

Ayoko namang ilabi na dahil binato niya iyon kaya nasira. Mumurahin lang iyon pero ang naibigay namang tulong sa akin ay sobrang laki.

Hindi na rin siguro ako dadaan sa Caress para magpaalam kay Mrs. Quejas dahil tiyak naman na wala siya ng ganitong oras. Pumupunta lang ang aming boss tuwing umaga at hapon. Binibisita niya rin kasi ang iba pang mga branch ng Caress.

"It's okay. Ako naman ang dahilan kung bakit ka nawalan ng cellphone. Tomorrow, I'm gonna give something for you."

Ngumiti na lang ako bilang sagot. Nakarating kami sa kanyang bahay. Agad akong bumaba at hindi na siya hinintay na pagbuksan ako. Kumunot ang kanyang noo.

Lumapit ako sa kanya at ipinulupot ang braso ko sa kanyang braso. "Ano bang magandang gawin ngayon?"

"Make love?" Ngumisi siya.

Nag-init ang aking pisngi. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. "P-puro ka kalokohan!"

Humalaklak siya at naiiling na inakay ako papasok sa loob ng bahay. We were both smiling until one of the maids greeted us.

"Sir, ma'am. Welcome back po."

Tumango kami ni Phoenix.

"Kumain na naman tayo ng tanghalian. Mamaya na lang kita ipagluluto, dinner." Dumiretso kami sa kanyang kwarto. Nang isara niya ito ay tumungo kami sa kama.

"Let's sleep first. You're tired." Tumabi siya sa akin at humawak sa aking hita. "Nang bumaba tayo ng eroplano ay hindi ka na masyadong umiimik."

Hindi lingid sa kaalaman niya na pangalawang beses ko pa lamang na sakay iyon sa eroplano. Ang una ay nang papunta kami at ang pangalawa ay kaninang pabalik. Hindi sa takot akong sumakay pero naninibago lang talaga ako. Isa pa ay hindi ko magawang ibuka ang bibig dahil kasabay namin ang mga Dela Vega. I didn't how would I be dealing with them. Kung sana ay ang mga pinsan lang niya ang kasabay namin.

"Ayokong matulog..." Humilig ako sa kanyang balikat. "Kung gusto mo ay-"

"We'll sleep." Putol niya sa akin. "Then we can do what you want later."

Bago pa ako makasagot ay marahan na niya akong naitulak pahiga sa kama. Nagkatitigan kami at hindi ko napigilan ang pagngiti. Mamimiss ko 'tong ganito.

"I'm the luckiest girl alive..." Mahina kong usal. Dinala ko ang isang kamay sa kanyang pisngi at dinama ito. "Napakasaya ko dahil naging akin ka Phoenix. Napakasaya ko kasi ikaw 'yung mahal ko." But then, the distance of emotions were so close to each other. You could be happy and sad at the same time. You would smile today but there's a possibility that tomorrow you'd cry.

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon