Chapter 21

85.5K 2.1K 87
                                    

Chapter 21

Phoenix:

Where are you? Answer my calls!

Oria:

Millicent, sagutin mo ang tawag! Makakapatay na si Phoenix dito!

Asia:

Hey, nag-aalala kami. Millie, nasaan ka?!

Pinatay ko ang cellphone pagkatapos kong basahin ang texts nila. Umupo ako sa kama at niyakap ang mga tuhod ko. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilin ang aking luha pero sa huli talo pa din ako. It poured down my cheeks irrepressibly.

Nanginig ang aking balikat. Malungkot ang kumawalang ngiti sa aking labi nang lumarawan sa isip ko ang nadatnan kanina.

Why Phoenix? Why did you need to go there? Iniwan mo ako sa bar para kay Monica?

Ilang sandali ay narinig ko ang paulit-ulit na pagkatok mula sa pinto. Mariin akong napapikit. Kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang boses.

"Nymph, Neo, Nay! Nandito ho ba si Millicent?"

Pinunasan ko ang aking luha. Nagbukas-sara ang pinto sa kabilang kwarto. Sa kwarto ng nanay natulog ang dalawa kaya hindi ko alam kung sino ang nagising.

"Kuya Phoenix?" Boses iyon ni Nymph.

"Bakit mo hinahanap si ate? Nawawala ba siya?" Sa boses pa lang ni Neo ay ramdam ko na ang galit dito.

"Neo, I can't see her. Kasama siya ng mga kaibigan niya pero nang balikan ko siya ay wala na siya dun. Tell me, is she already here? Please, sabihin niyo sa akin kung nandito na ang ate niyo."

"Kuya hindi pa siya dumadating-"

"Bullshit!" Hindi na pinatapos ni Phoenix ang pagsasalita ni Nymph. Dinig ko ang pagstart ng makina at ang pagharurot ng kanyang kotse.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto. Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko nang makita ako.

"Ate..." Tumakbo si Neo at yumakap sa akin.

Mariin akong napakagat sa labi.

"Hinahanap ka ni kuya Phoenix. Bakit ate? Sinaktan ka ba niya? Bakit ka umiiyak?" Sunud-sunod na tanong ni Neo.

I shook my head. Lumapit sa amin si Nymph dahilan para humiwalay si Neo. Wala nang mababakas na luha sa aking pisngi pero alam kong namumula ang aking mga mata kaya iyon nasabi ni Neo.

"Ate, anong nangyari? Nandito ka na pala pero hindi mo man lang nilabas si kuya Phoenix."

Niyakap ko ang dalawa. Ramdam ko ang matinding pag-aalala nila. Parehas ko silang hinalikan sa kanilang ulo. Masyado pa silang bata at ang mga ganitong bagay ay dapat sinasarili na lang.

"Wala ito. Mayroon lang kaming hindi pagkakaintindihan ng kuya Phoenix niyo. Magiging maayos din si ate." Pinakawalan ko sila. "Matulog na kayo. Inaantok na din ako. Kailangan ko nang magpahinga dahil may trabaho pa ako bukas. May pasok pa kayo."

Hindi na kumibo si Nymph. Sa kanilang dalawa ni Neo ay siya ang mabilis makaintindi. Siguro ay dahil pareho kami ng ugali.

Hinintay ko silang makalabas. Ngunit bago pa ako tuluyang mapag-isa ay tumigil sa paglalakad si Neo at hinarap ako.

"Kapag inulit niya 'to, hinding-hindi ko na siya mapapatawad. Ayaw na ayaw kong may nanakit sayo ate." Sabi niya at sinara ang pinto.

Ilang sandali pa ay naisipan ko nang humiga. Bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Daucus. Napayakap ako sa aking unan. Pinikit ko ang aking mga mata kasabay nang pagtulong muli ng aking luha.

SurrenderKde žijí příběhy. Začni objevovat