Chapter 23

93.2K 2K 96
                                    

Chapter 23

Lumingon ako sa entrada ng kusina at mabilis na napatayo. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo sa aking mukha.

There's a woman standing there, eyeing us. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Nilingon din ni Phoenix ang magandang babae na sa tingin ko ay hindi lalagpas ng singkwenta anyos.

Who's she?

"Mom!" Tawag niya dito.

Shit, she's his mom!

Tumayo si Phoenix at lumapit dito. He embraced the woman.

Iniwas ko ang tingin sa babae. Nakatingin pa rin kasi siya sa akin kahit yakap na siya ni Phoenix.

Gusto kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa nadatnan kami ng mommy niya nang ganito. Kinakain ako ng hiya. Ngunit itong si Phoenix, kung umasta ay parang wala lang nangyari. Hindi man lang nagbihis bago lumapit dito!

"God, I missed you!" Humiwalay si Phoenix sa kanyang ina at tumingin sa akin.

Lumunok ako at mas lalong tumindi ang aking kaba nang lapitan niya ako. Hindi ko na napigilan ang tignan muli ang babae.

Her face's paled but still striking. Siguro ay dahil na rin sa sobrang kaputian. Wala din kasi siyang kahit anong nakalagay sa mukha.

Hinaplos ng mommy ni Phoenix ang kanyang mahaba at bagsak na buhok. Ngumiti siya at doon ko lang napagtanto na halos pigilin ko na ang aking paghinga. She walked toward us and examined me from head to toe.

"Who are you lady?" Tanong niya sa akin.

Tumingin ako kay Phoenix para humingi ng tulong. Pinagapang niya ang kamay sa aking bewang at nginitian ang mommy niya.

"Mrs. Natalia Dela Vega..." Tumikhim siya. "I proudly introduce to you my girlfriend, Millicent."

Nag-init ang pisngi ko sa paraan niya ng pagpapakilala sa akin.

"She's Millicent?" Lumawak ang ngiti ng mommy niya. "So I finally meet her huh?" She shifted her attention on me. "I've heard a lot about you, sweetheart." She spread her arms making my inhibition disappear.

Nagdadalawang isip man dahil sa hiya pero ginawa ko pa din ang lapitan siya. Mahigpit niya akong niyakap na halos hindi ako makapaniwala.

"It's true that you're divine!" She pulled away and looked at me in the eyes. Tumaas ang kilay niya ngunit nandoon pa rin sa labi niya ang nakakahawa niyang ngiti. Nilingon niya sa Phoenix at tinanguan ito.

Muling sumumpong ang kaba ko nang halikan ni Phoenix ang aking noo. Mukhang mabait ang mommy niya pero hindi ko alam kung kaya ko ang mapag-isa kasama ito.

"Sa living room lang ako. I'll be going back here when you're done talking, alright?" I felt him smile. Lumayo siya at tumingin sa mommy niya. "Don't scare her mom." His voice became serious.

May kung ano sa mga mata niya nang sabihin niya iyon. Ilang sandali ko pa siyang tinitigan bago ibinaling ang tingin sa mommy niya. Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata nito dahil sa sinabi ng anak.

"I'm not going to eat her Phoenix!" She laughed and pushed his son toward the entrance. "Your dad's outside. Talk to him. He has to say something important to you."

Tumango si Phoenix. Sinulyapan niya ako bago tumalikod at iwan kami ng mommy niya.

"So..."

Nilingon ko si Mrs. Dela Vega. Humakbang siya ngunit bago pa tuluyang makalapit ay naamoy ko na ang niluluto ko.

"Excuse me. Papatayin ko lang po iyon." Alam kong nakuha niya ang sinabi ko dahil hindi imposibleng naamoy din niya ang lutong adobo.

"Go on." She smiled charmingly.

SurrenderWhere stories live. Discover now