Chapter 8

114K 2.4K 79
                                    

Chapter 8

"Hey, Millicent!"

Inalis ko ang tingin sa sprinkle, nag-eenjoy pa naman akong panoorin kung paano ito maglabas at magsirit ng tubig. Nilingon ko ang tumabi sa akin at nanlaki ang aking mga mata nang makitang si Nigel pala ito. Nakangiti siya at nakatitig sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang mga kaibigan mo?" Tanong niya. Iginala niya ang paningin at binalik din naman sa akin. "Have you had your breakfast?"

Tumango ako. Inalis ko ang tingin sa kanya dahil nakakailang ang kanyang titig. Nakita ko ang mga Dela Vega na umupo sa damuhan sa garden.

"Ikaw? Nagbreakfast ka na?" Tanong ko, nagpapasalamat sa sarili at hindi ako nautal sa pagtatanong. Kapag kasi kasama ko siya ay hindi ko talaga mapigilan ang kabahan.

"What the hell Phoenix? Can't we just sit at the bench? Why here? My skin will get itched!" Maarteng sabi ni Tamiya, pinsan ni Phoenix.

Kasama ni Phoenix ang mga pinsang lalaki at babae na dito rin nag-aaral. Hindi lang 'yon may kasama din silang iba pang mga babae.

"Not yet. Aayain sana kitang magbreakfast. Ayos lang sa'yo?"

Pinigil ko ang mapangiti. Totoo ba ito? Inaaya niya akong magbreakfast?

Aalisin ko na sana ang tingin kina Phoenix pero napigil iyon dahil sa ginagawa niya sa babaeng katabi. Binubulungan niya ito kaya humahagikgik ang babae. Ang kanang kamay pa niya ay nakahawak sa hita nito. Napailing ako.

Simula nang tanggihan ko ang pag-aaya niyang maglunch ay mas lalo ata siyang lumala, paano'y kada linggo nagpapalit ata siya ng kung sinu-sinong babae.

Bumuntong-hininga ako at hinarap si Nigel. "Sasamahan lang kita ah. Hindi ko kasi alam kung makakakain pa ako. Busog pa kasi-"

"No, no Millie. You'll eat breakfast with me alright?" Nginitian niya ako. Napalunok ako nang hawakan niya ang kamay ko. Hinigit niya ako.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Katulad ng sabi niya ay nagbreakfast nga kami. Hiyang-hiya nga ako dahil inilibre pa niya ako. Panay ang pilit ko na ako ang magbabayad ng pagkain ko pero nagmatigas siya.

Matapos naming kumain ay pumasok na kami sa room. Wala kasing first subject at ang mga kaibigan ko naman ay may pinuntahan. May bibilhin daw sila sa mall. Nagtataka nga ako, pupunta sila sa mall samantalang ang alam ko ay mamaya pa ang bukas niyon.

"Malapit na ang birthday ni Phoenix. Are you going?" Tanong ni Nigel nang ihatid niya ako sa upuan ko.

Wala pa din sila Monica. Ang tagal naman ata nila. Ilang minuto ay dadating na ang second subject.

"Kelan?" Tanong ko.

Tumabi siya sa akin at nailang naman ako dahil sa paninitig niya. "Next week, December 9."

Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Ah, baka hindi eh. Hindi rin naman ako invited." Nakita ko ang papasok na si Phoenix. Kumunot ang aking noo nang makita kung sino ang babaeng inaakbayan niya. Si Geneva!

"Of course, we'll come P." Humahagikgik na sabi ng kaibigan ko. Si Monica at Cassia ay nag-uusap sa likod nilang dalawa.

Nang nasa harapan ko na sila ay naningkit ang aking mga mata. Bumaling sa akin si Geneva, nakangiti pa rin. Bigla na lang niya akong kinindatan.

"Ready your bikinis girls. Pool party ang gusto ng mga pinsan ko. I don't have the right to protest about it. Lalo na't iyon ang suhestiyon ni Tamiya." Ngumisi siya at tinignan ako.

Nang magtama ang mga mata namin ay bigla na lang siyang sumeryoso. Lalo na nang bumaling siya kay Nigel.

"You're invited too Millicent." Aniya, malamig ang tinig. Tumalikod na siya pero isinama pa niya sa upuan niya si Geneva. "Nasaan na nga ba tayo Gen?" Tanong ni Phoenix sa kaibigan ko.

SurrenderWhere stories live. Discover now