Chapter 25

90.2K 1.9K 205
                                    

Chapter 25

Me:

Hayaan mo muna ako. Kahit ngayon lang Phoenix.

I sent the message. Hindi ko na hinintay ang kanyang reply.

Nandito na ako sa Caress at nakuha ko na din ang aking bag. Sabi sa akin ni Oria ay dumaan daw dito si Daucus, hinahanap ako. Hindi kami nag-abot dahil hindi ako dumiretso dito kundi sa bahay. Kinailangan ko pa kasing kumuha ng unipormeng pantrabaho.

"You're not in the mood again, Millie," buntong-hininga ni Oria.

Nilingon ko siya na kalalabas lang ng massage room. Sa mga mata niya ay masisipat ang magkahalong kuryosidad at pag-aalala.

"Ano na namang nangyari? Nag-away na naman kayo? Dahil ba kay Daucus?" Sunud-sunod niyang tanong.

I shook my head. Wala pa akong customer kaya naisipan kong umupo muna sa sofa. Lumapit siya sa akin at tinabihan ako. Si Asia at Marian ay busy pa sa kani-kanilang mga customers.

"Hindi kami nag-away." Sagot ko sa isa sa kanyang mga tanong.

Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako sa nangyari kanina. I was mentally drained. I couldn't think straight. Ayokong iwan doon si Phoenix. I didn't mean to walk away but I needed to. Kaya nga naisipan ko na lang na pumasok ng trabaho kahit half-day man lang. This way I could make myself tied-up.

"Oh eh anong nangyari?" Ngumuso siya. "Di mo pinagbigyan? Di kayo nag sex?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Humagalpak siya ng tawa.

"Kidding!" Inakbayan niya ako at unti-unting naglaho ang tawang iyon. Ang kamay niya ay hinaplos ang aking likod. "So ano ngang nangyari?"

I started telling her the occurrences. Except for the parts that should be privy, of course.

"You're in a big mess..." Aniya pagkatapos kong magkwento. "Hindi kita masisisi sa nangyayari. Everyone of you has mistakes." Bumuntong-hininga siya. "Si Phoenix, sa paraang ginamit niya nga si Monica. Kung ako ang nasa katatayuan ni Monica, baka ganun din ang maramdaman ko. Phoenix is a big catch! Many girls are drooling over him. Ang mapagtuunan ng isang lalaking tulad niya ay napaka-rare. Syempre, hindi mo masisisi si Monica. But then, pushing yourself to someone who doesn't like you is another thing. Hindi niya dapat ginawa iyon."

Hindi ako nakapagsalita. Oria's making sense.

"And what's wrong with you is that, you keep it as a secret to her. Ang relasyon niyo ni Phoenix."

"Oria... hindi ko na alam ang gagawin ko."

Ipinikit ko ang mga mata. Damang-dama ko ang matinding pag-iinit ng mga gilid nito. But then I did everything to halt the tears. Ayokong bumigay ngayon kung kailan nasa trabaho ako. Pakiramdam ko ay wala na akong nagawang matino nitong mga nagdaang araw.

"I can't say that it would be easy, Millie." Nagmulat ako dahil sa sinabi niya. "Ganun naman eh. Kapag may kasalanan ka, mahihirapan kang umamin kasi natatakot ka sa pwedeng mangyari."

Hindi ako nakakibo. Tama siya. Natatakot ako.

"But it would be better if you admit it yourself as soon as possible. Or maybe the both of you. Ikaw at si Phoenix." Hinuli niya ang mga mata ko. "Expected na ang masaktan si Monica kasi nagmahal siya. Expected na ang masaktan ka kasi maaaring may pagkakaibigang masira. You both love them, don't you?"

Tumango ako.

"Masakit ang katotohanang pinaglihiman ka ng kaibigan mo." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. "Ready yourself for the consequences, Millie."

SurrenderWhere stories live. Discover now