Chapter 3

161K 3.2K 361
                                    

Chapter 3

"Nay kain na po." Inilapag ni Nymph ang tasa na may lamang Quaker oats at binahugan ito ng gatas.

Pinigil ko ang sarili sa pagsabog ng aking emosyon.

"Wala pa ba ang ate niyo?" Umubo ang nanay at tinignan si Neo na pinagsasalin siya ng tubig. "Hindi umuwi si Millicent kagabi. Sigurado akong pagod na pagod ang ate niyo. Pagdating niya wag niyo na siyang pagagawain dito sa bahay ah."

Kinagat ko ang ibabang labi. Tinignan ko ang kanang kamay ko na may hawak na tatlong tangkay ng rosas. Pinunasan ko ang luhang tumakas sa mata ko. Hindi ko na kasi napigilan.

"Syempre naman Nay. Pagod na si ate. Marunong naman po akong maglaba. Ako nalang po ang gagawa nun."

"Ako nalang ang mag-uurong, Nay." Ngumiti ang kapatid kong si Neo.

Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makita ako ng mga kapatid ko. Dinala ko ang hintuturo sa labi para sabihan sila na wag maingay.

"H-happy... happy mother's day, Nay." Kinagat ko ang labi at pinigil ang panginginig ng mga balikat. "For you. Sana magustuhan mo."

Humarap siya sa akin. Iniabot ko sa kanya ang tatlong tangkay ng rosas at ngumiti.

"Anak!" Niyakap niya ako. "Saan ka ba galing? Alalang-alala ako sa'yo kagabi. Halos hindi ako nakatulog."

Hinalikan ko ang kanyang ulo.

"K-kumayod lang ako Nay. Madami pa kasi akong gamot na kailangang bilhin para sa maganda kong ina." Humiwalay ako at lumuhod sa harap niya. "Happy mother's day. Sana magustuhan niyo po ang mga bulaklak. Hayaan niyo, next time bouquet na ang bibilhin ko para sa inyo."

"A-anak naman... nag-abala ka pa." Sumilay ang matamis na ngiti mula sa kanyang labi. "Pero salamat ah."

Tumango ako at dinala ang kamay sa kanyang pisngi. Kumirot ang dibdib ko nang makita ang paglandas ng luha niya dito.

"Nanay naman eh. Bakit ka umiiyak?" Niyakap siya ni Neo. Hinalikan niya sa pisngi ang bunso kong kapatid. "Happy mother's day nanay. Mahal na mahal ka po namin."

Sumunod si Nymph. Nakaigting ang kanyang panga at alam ko kung bakit. Pinipigil niya ang sarili na huwag maiyak.

"Happy mother's day. Kain ka na po muna. Wala pang laman ang tiyan niyo." Niyakap niya ang nanay at hinalikan sa ulo.

Nag-iwas ako ng tingin. Umikot ako para saluhan sila sa pagkain. Kumuha ako ng sardinas at binuksan ito gamit ang kutsilyo. Suminghot ako at pinunasan ang mga luha. Nagsandok na din ako ng kanin.

Lahat gagawin ko para lang gumaling ang nanay.

Napangiti ako. Mabuti nalang at hindi maarte ang mga kapatid ko. Maaasahan na din sila sa mga gawaing bahay hindi tulad ng ibang bata.

"Kain na tayo Nymph. Neo?" Tawag ko sa kanila at nilagyan ng kanin ang kanilang mga plato.

Nakatitig sa akin ang nanay. Lumunok ako at ngumiti.

Kumain kami at masaya silang nagkwentuhan. Ako naman ay tahimik dahil naisip ko ang nangyari kagabi. Hindi ko mapigilan ang kirot na bumalot sa dibdib. Sa pag-iisip kasi ng nangyari ay hindi ko din mapigilan ang isipin si Nigel.

Pagkatapos naming kumain ay saglit kong pinagpahinga ang nanay at pinahiga sa kwarto.

"Anak naman, malakas pa ako." Aniya.

"Alam ko po. Kaso hindi kayo nakatulog kagabi diba po?" Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Dapat hindi niyo na inisip kung nasaan ako. Napuyat pa ho tuloy kayo."

SurrenderTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang