CHAPTER 8

14.3K 716 156
                                    

The Real Deal

NATARANTA AKO. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Kung sa itaas ba o sa ibaba. Pareho kasing nakakapanlalaki ng mga mata.

"You!"

Dinuro ako ni Puppy habang natataranta rin siya kung saang banda ang una niyang tatakpan, kung sa itaas din ba o sa ibaba. Ayaw ko kasing magtakip ng mga mata o tumalikod dahil gusto kong kumpirmahin kung tama ba ang nakikita ko.

"Puppy, bakit—"

"Get out!"

Namumulang idinuro niya ang pinto. Mabilis naman akong umiling. Hindi kasi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Puppy, bakit—"

"I said, get out!"

"Huh? Inutusan lang akong pumunta rito, ah. Puppy—sandali!"

Itinulak niya ako palabas ng pinto saka pinagsarhan. Napatalon pa ako sa gulat dahil sobrang lakas ng pagkasara niya.

Napatampal ako sa noo. Hindi ko pa naisasauli ang wallet niya!

"Oy, Puppytot! Akin na lang ba itong wallet mo? Pagbuksan mo kaya ako? Puppy!"

Kumatok ako nang kumatok pero hindi niya man lang ako pinagbuksan. Nagalit ko yata siya.

Napadausdos ako ng upo sa sementadong sahig. Hindi mawala sa isip ko ang mga nakita ko.

Hindi kaya namamalikmata lang ako?

Umiling ako. Hindi. Totoo 'yon. Wala naman akong diperensya sa mata.

Sinampal-sampal ko ang sarili ko para kumpirmahing hindi ako nananaginip, pero nang makaramdam ako ng sakit ay napangiwi ako. Totoo nga 'yong nakita ko.

Napangiti ako. Ibig sabihin ba no'n mali ako ng iniisip all this time? Ibig sabihin ay may pag-asa ako kay Puppy?

Tarantado kasing Payatot 'yon, nilason ang isip ko. Kapag nagkita kami babawian ko talaga siya!

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago muling kinalampag ang pinto, pero katulad kanina ay dedmatology ang peg ni Puppy. Mukhang wala na siyang balak na lumabas.

Umayos ako ng upo saka sumandal sa pinto. Nangalumbaba ako. Ipinatong ko ang mukha ko sa ibabaw ng mga tuhod ko.

Hindi ako susuko. Maghihintay ako rito hanggang sa pagbuksan ako ng pinto ni Puppy.

Binuksan ko ulit ang wallet niya saka tiningnan ang ID niya. At least alam ko na ngayon ang birthday niya. Pati ang blood type niya.

Ngayon ko lang naisip na bagay pala ang apelyido niya sa pangalan ko.

"Shyr Divine Bustamante," nangingiting sambit ko.

Ang sarap sa pandinig. Mamaya pagkauwi ko ay magpa-practice na agad ako ng pirma para kapag ikinasal kami someday hindi na ako mag-iisip ng pirma. Subukan ko rin kaya i-flames candle ang pangalan namin? Na-excite ako bigla.

Ini-imagine ko pa lang ay napapangiti na ako. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil kanina pa ito pumipintig nang kakaiba.

Nilingon ko ulit ang pinto. Kailan kaya maisipan ni Puppy na lumabas? Mabuti na lang at walang lamok dito. Kundi ay kanina pa siguro busog ang mga iyon sa tagal ng pag-upo ko rito. Malapit an ring magdilim.

Paniguradong lalabas siya kapag akala niya ay wala na ako rito. Kaya naisip kong huwag nang mag-ingay pa. Nagkunwari akong naglalakad palayo. Pagkatapos ay hinubad ko ang sapatos ko saka nagyapak lang pabalik sa harap ng pinto.

Tahimik akong naghintay at nag-isip ng puwede kong gawin para makaganti ako kay Señorito Timothy. Lokong payatot na 'yon, pinaniwala niya ako sa mali. Nasaktan lang pala ako para lang sa wala.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon